Kinakabahan pa rin si David sa narinig sa doktor kasi alam niya monitor ang blood sugar nito ng mga caregiver kaya 'di nito malaman ang itatanong sa doktor. "Doc, paano po na bumaba ang blood sugar ng lola ko samantalang monitor ito ng dalawang caregiver niya?" "Diabetic po ang lola ninyo, kung minsan nangyayari ito lalo na kung 'di tama ang kinakain ng pasyente," wika ng doktor na nagpaliwanag sa binata. Walang magawa si David sa nalaman. Hinawakan naman ni Luisa ang kan'yang kamay para ito ay bigyan ng lakas. "Huwag kang mag-alala magigising din ang lola mo. Medyo normal na ang blood sugar nito. Patawag mo na lang muli ako kung siya ay nagising na o kung may gusto kang itatanong sa akin." Sabi ng doktor saka ito umalis pagkatapos. "Nasaan 'yong dalawa kamo na caregiver niya. Bakit w

