Tuwang-tuwa ang lola ni David sa mga pinagtapat ko sa kan'ya. Lumabas kasi si David para may kausapin. Pinahid ko ang mga luha na ngayon ay pumapatak na sa pisngi ng matanda. Promise ko sa kan'ya na dadalhin ko sa hospital ang mga bata upang makita niya. "Salamat Luisa pinaligaya mo ako. 'Di ko akalain na makikita ko pa ang aking mga apo sa tuhod!" Umiiyak nitong sabi. "Tama na ho lola, magpahinga na po kayo at magpalakas at tiyak kong babalik na si David dito. Ayaw ko po sana maghinala siya sa atin," ani Luisa. Hinihintay ko na lang resulta nang magiging pag-uusap nila ng tatay at saka aking ipagtatapat ang tungkol sa mga anak namin. "Oh, lola bakit parang namula mga mata ninyo. Umiyak po ba kayo, may masakit po ba sa inyo?" tanong ni David na nag-aalalang sa matanda. "Nagkaiyakan

