HARPER EVANS NAPAKUNOT ang noo ko nang may mapansin akong nagkukumpulan sa gilid ng academy ang dami kasing estudyante na para bang may sikat na artistang pinagkakaguluhan. "Ano kaya ang meron doon kate parang may pinagkakaguluhan" saad ko habang nakatingin lang sa mga estudyante ang ibang umaalis halos masuka at magtakip ng ilong. "Tara lapitan natin" yaya niya sabay hablot ng kamay ko papunta doon narinig ko naman na parang may sinasabi silang Ravaria napakunot naman ang noo ko dahil familiar sa akin yun saan ko nga ba narinig yun? nagiging makakalimutin na talaga ako. "Baby iimbentahin kita sa kaarawan ng mommy ko sa linggo gusto kong pumunta ka" nakangiting sabi niya habang naglalakad kami napaisip naman ako wala naman akong gagawin at isa pa sembreak na din dito ang nakak

