HARPER EVANS KINAKABAHANG nakaupo ako sa stadium dahil mamaya ako na ang lalaban sa leveling nagtawag na ako ng mga santo para lang hindi matuloy pero sadyang mahina ako dahil pagkatapos ng laban nila Celine at Kate ako na ang susunod. "Hey! Bakit nanginginig na ang tuhod mo? leveling lang naman to hindi ka naman mamamatay" natatawang saad ni kyla napaismid naman ako kung alam lang niya na wala akong kapangyarihan para makipaglaban ayos lang naman sana kung magsuntukan o sabunutan kami kaso hindi lalo pa ako nakaramdam ng takot dahil nakita kung paano maglaban sina Kate at Celine minsan hindi mo na makita dahil ang bilis ng bawat galaw nila. "Hoy kate pag natalo ka dito hindi mo na lalandiin si harper para tatlo nalang ang problema ko" sigaw ni celine tumingin tuloy ang mga est

