1
"Sheeva, ano na naman iyan, anak?" Kunot na kunot iyong noo ni Mama habang nakatitig sa sout ko.
Nope... hindi naman ako nakamaiksing pekpek shorts, o sports bra. In fact, at patunay iyong sama ng templa ni Ate Godiness habang nakatitig din sa akin, ang klasi ng sout ko ngayon. Gusto ko lang naman... ang maging katulad ni Kuya Arman. Gusto kong— mag-asal lalaki.
Sabi nila, sayang daw ako. Matangkad, balingkinitan, matalino, maputi, makinis at biniyayaan ng kagandahan. Pero ginagamit ko sa walang kwentang bagay. Ginawa lamang ng Diyos ang babae't lalaki... pero bakit ganoon, at may mga katulad daw namin?
May mali ba? Tao rin naman kami, mas may puso. Pero bakit ganoon?
Si Papa nga tanggap ako kahit na ganito ako, bakit kaya mahirap sa iba? Wala namang mali, hindi naman ako immoral. At lalong hindi naman ako nakikipagrelasyon sa mga katulad kong may vajayjay. Matino ako... ano ba talagang mali?
"Akyat! Magbihis ka nang matino! Por dios—"
Mabilis na lang ako umakyat at naghanap ng pwedeng maisout. Alam ko kasi, inilagay ko na iyon sa pinakailalim ng cabinet ko, kaya hindi ko rin alam kung saan doon ang matino-tino. Bahala na. Kesa magalit pa nang tuluyan si Mama. Ang ayaw ko sa lahat, iyong masisira ang araw ko dahil sa nasira lang din ang araw ni Mama.
Mababait naman kaming mga kapatid, masunurin. Ako lang talaga iyong may pagkasaltik sabi nga ni Ate Godiness. Ang hindi naman niya alam, masunurin din naman ako. Sinusunod ko si Mama... sa lahat ng gusto nito. Iyon nga lang, nakakapuslit pa rin ako minsan. Nagagawa ko pa ring magsout ng mabigat na pedal at maluwang na t-shirt. Siniswerte pa kung umuuwi si Mama ng Bulacan para bisitahin sina Lolo't Lola. Matagal-tagal iyong kaonti kong paglaya.
"Para kang pugad na iniputan nang iniputan kanina... alam mo Sheeva, ikaw naman ang pinakamaganda sa'tin pero bakit gusto mong magpakalalaki?" Kunot noong tanong ni Ate Godiness habang naglalakad kami patungo sa kabilang village, sa mga pinsan namin. Para maki-birthday.
"Eeh, Ate. Alam mo naman hindi ako mahilig sa fashion! Para akong temang."
Mas lalo itong umirap. Kumaway lang sa unahan at nakita ko sina Kuya Arman pati ang kambal na sina Ate Gette at Kuya Lui. Iyong panganay pa sa aming magkakapatid. Ako iyong bunso... kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit bantay sarado ako. Nakakapuslit lang talaga pag wala si Mama. Na minsanan lang din kung mangyari.
"Inaway mo na naman ba?" Akbay sa akin ni Kuya Arman. Kaonting nagpugay ang loob-loob ko nang tinanong ito ni Kuya Arman. Siya talaga ang pinakapaborito ko sa lahat... sunod na sunod kasi ako sa luho.
"Kuya! Kaya nagiging tomboy iyan kasi kinokonsente mo! Babae si Sheeva! Babae siya!" Maktol nito.
Napalabi ako at hinigpitan ang kapit sa braso ng panganay namin. Ayaw ko talaga, iyong basta na lang silang nagagalit kasi ayaw kong magpakababae. Mali ba talaga?
"Tigil na, babae iyan. Don't worry, Ness. Babae itong bunso natin. Masyado lang talagang nag-eexplore kasi bata pa. Hayaan mo muna, kesa sa nagboboyfriend iyan" haplos ni Kuya sa maiksi kong buhok.
Dalawa na kaming nakalabi ni Ate Godiness. Ayaw ko talaga nito... talo pa rin kasi ako. Kahit sabihin kong ayaw ko ngang maging babae. Ayaw kong maging kikay tulad ni Ate Godiness at ayaw ko ring magkaboyfriend tulad ni Ate Gette. Ang gusto ko lang naman ay maging katulad ni Kuya Arman, magaling magbasketball at magaling pa sa trabaho. Saan pa ba ako tutulad? Sa mga Ate ko na iba naman ang hilig?
Accessories? Make ups? Dresses? Boys? Boys?!
Naku... ayaw ko noon.
Sa halip na makioagtalo, tumahimik na lang ako sa tabi ni Kuya Arman. Kumapit ako sa braso niya. Kahit nga sa pagdating sa bahay nina Nina ay nandoon lang talaga ako sa tabi ni Kuya. Ayaw kong humiwalay, kahit tinatawag na ako nina Papa't Mama. Dito lang ako... mas mabuti na iyong ganito kasi wala nang mang-uusisa sa pagkatao ko. Alam ko naman e, na hindi ako magiging immoral. Alam ko naman kung sino ang pipiliin ko sa huli.
"Man..." tawag ng isa naming pinsan, pinsang lalaki na mas matanda pa kesa kay Kuya. Tinanguan niya lang ako na noo'y nakatago lang sa gilid ni Kuya.
"Dadating si Boss, makikibirthday mamaya. Sisilip ka na naman ba kay Tiny?" Tukso nito sa kapatid ko.
Napaangat ako at tinitigan si Kuya Arman na namula pagkabanggit sa pangalan na yon. Napangisi ako at pasimpleng nang-usisa sa pinag-uusapan ng dalawa. Alam ko, may crush si Kuya sa may-ari ng pangalan na yon.
"Kasama ang big boss. Paano ka makakadiskarte roon?" Ngisi pa ni Kuya Jay.
"Hindi ako didiskarte. Mahirap na, iba ang estado ng mga buhay noon." Iling ni Kuya.
Mas lalo akong naging kuryuso. Big boss. Mayaman nga siguro. Pwedeng may-ari ng isang sikat na firm. O kung ano. Alam ko kasi nasa iisang working place lang sina Kuya Arman at Kuya Jay. Kaya alam ko rin na iisa lang ang boss nilang dalawa. Bakit kaya mahirap? Talaga namang lahat may basihan. Di'ba pwedeng pantay na lang?
"Nandiyan na..." biglang dumiretso ng tayo sina Kuya. Napasama ako at napatitig sa tarangkahan nina Kuya Jay. May nakaparada ngang mga sasakyan. In fairness naman at halatang mayaman talaga ang may-ari. Kumikintab pati yata ang paligid dahil sa sobrang linis noong mga naglalakihang sasakyan. Itim na itim pa. Mahihiya iyong alikabok dahil dito.
Naghintay ako... hindi ko alam kung minuto pa pero bigla akong nainip sa sobrang tagal. Ganoon ba talaga pag mayaman? VIP? Mahirap e-please? At lagi talagang may red carpet.
Napalunok ako noong tumunog ang pintuan. Kinakabahan nga rin ako tulad ni Kuya Arman. Ramdam ko iyong kaba niya. Paano... baka nando'n na iyong Tiny. Mangingisay ito sa kilig.
Napahinga rin ako pagkatapos na bumaba iyong isang paa... na nakamakintab na sapatos. Kasing kintab noong sasakyan. Nasisilaw ako. At mas nakakasilaw pa noong lumabas iyong lalaking lulan noon.
Naitikom ko naman ang bibig. Hindi ako makahinga. Kinakabahan nga kasi ako. Ang kinis pati mukha nito... pati germs mahihiyang kumapit. Hindi naman siya kaputian, pero makinis talaga e... ang tangos pa ng ilong, naka-shades nga lang. Makapal iyong buhok niya, kasing kapal ng kilay niya. Manipis iyong labi. Pero ang pinakagusto ko talaga sa lahat ay iyong tangos ng ilong niya. Nakakainggit. Ang perpekto nito.
Yumuko ito sandali at may inalalayan mula sa loob. Napanganga na ako nang tuluyan. Nagmukhang n***o iyong lalaki sa sobrang puti noong babae. Nakasummer hat. Loose iyong nasa balikat niyang tali para sa damit. Ako na nahiya at mukhang mahuhulog na iyon. Perpekto... naku... out of place na naman iyong dalawa.
"Dito ka lang, Shee. Pupuntahan lang namin iyong mga bisita." Paalam ni Kuya.
Napilitan akong bitawan siya. Nakatitig pa rin ako do'n sa babae. Ang ganda niya talaga e... teka, Tiny? Siya ba si Tiny?
Napangisi ako at naupo na lang sa upuan. Nakatitig pa rin ako sa mga bagong dating. Ay, hindi lang pala ako. Marami kami... hindi, lahat kami nakatitig na sa mga bagong dating. Nakatitig pa rin ako kay Tiny... kaso nalipat sa kasama niyang lalaki.
Napaawang iyong labi ko, at unti-unting nalaglag ang panga nang mula rito ay itinaas niya ang sout na shades. Hindi! Hindi iyong ilong niya ang talagang nagustuhan ko sa lahat. Napakaunfair ng mundo para bigyan pa siya ng magagandang pares ng mga mata. Naiilawan ng sikat ng araw iyon... parang transparent. Na naging abo at muling bumalik sa hazel nut iyong kulay no'ng dalawa. Napatayo ako at nakadalawang hakbang lang nang pumwesto ako sa harap niya.
Nagulat ako sa ginawa ko... nagtataka naman iyong mga mata niya. Natulala lang ako sandali at nahihiyang bumalik sa kinaupuan kanina. Hindi ko makalimutan iyong segundong titigan namin. Ako na ang nahiya. Kaya umalis ako.
"Babae nga yata talaga ako,e." Bulong ko sa sarili habang pauwi sa amin.
Ilang Linggong pabalik-balik sa isipan ko iyong nangyari sa birthday ni Noah, bunsong kapatid ni Kuya Jay, at no'ng Christmas party... christmas party ng company kung saan nagtatrabaho sina Kuya.
Para bang... inamin ko na rin sa sarili na gusto ko nang maging tunay na babae. Noon lang... noon lang ako nagkaroon ng crush. Sa buong buhay ko, sa 15 years na nabuhay ako rito. Doon ko lang nalaman kung ano talaga ang gusto ko.
Gusto ko iyong Boss ni Kuya... na imposibleng marating pero mag-aayos pa rin ako. Baka sakali... baka sakali lang naman. At walang mawawala kung susubukan ko.
"Funny gifts..." sabi ng isang katrabaho ni Kuya. Umuwi na sina Mama't Papa. Iyong ibang kapatid ko ay sumama na rin. Ako lang talaga ang nagpaiwan. Kasi nga gusto ko... nandito pa iyong Boss. Nakaupo sa malayo at katabi iyong Tiny. Mukhang bored na bored siya, samantalang iyong kapatid niyang babae ay para bang naaaliw sa nakikita.
Nag-ayos ako ngayon... nagpalagay ako ng kaonting make up kay Ate Godiness na syempre natuwa sa hiling ko. Pinaayos ko rin iyong maiksing buhok ko na kinulot-kulot lang ni Ate. Hiniram ko rin iyong paboritong dress niya, para naman presentable at makita niya ako. Mapansin man lang. Kaso, simula nang nag-umpisa itong party, ni pagdapo ng isang segundo man lang ng mga mata niya ay hindi naman nangyari. Hindi naman siguro talaga ako maganda. Ganoon lang iyon.
"Sama mo na iyan... di'ba, Sheeva? Open minded ka naman?" Ngiting mabait noong isang katrabaho ni Kuya. Tumango naman ako. Pero kita ko iyong kunot sa noo ni Kuya Arman. Binaliwala ko naman, mas excited ako sa ideya na kasama iyong Tiny saka si Boss sa kung saan man kami papunta ngayon.
Alam ko na dapat hindi na ako narito. Pero, kapalan na lang talaga ng mukha. Pagkapasok nga sa isang malaking office, doon ko nakita ang maluwang na hall. Pero kapansin ang isang malaking Christmas Tree sa gitna, maraming gifts ang nakapalibot doon. May katabi ring babae na nakapangseksing santa claus, girl version. Hindi ko naman sinasadya na hindi mapatitig kay Boss. Kaso nadismaya rin ako noong ngumisi siya at matamang nakatititg doon sa babae—- na namumula sa hiya.
"Gold, isa-isa nang bubunot." Ngisi noong babae. Pumila naman ng mabuti, excited pa naman ako kasi akala ko makakatabi ko na si Boss. Hindi rin, talagang... may mga hadlang.
"Okay! Since everyone has now their respective numbers, it's time for the funny gifts." Isa-isa na ngang tinawag ang numero. Tumayo nga ako nang kinuha na iyong akin. Saka ako bumalik kay kuya. Nakakunot ang noo ni Kuya, habang nakatitig sa pahaba kong regalo.
Kumunot nga rin ang noo ko nang nakita na pabilog iyong kanya. Naputol lang nang sinabi na pwede nang buksan iyong mga hawak naming mga regalo.
Natawa nga ako nang nakitang paper plates iyong regalo ni Kuya. Ako nga, ewan. Kung ano ito at bakit pahaba at masyado yatang selyado. Kinakabahan na nga ako. Ngunit kumunot ang noo ko nang nakita na nang tuluyan iyong itsura. Maitim. Mukhang braso sa paningin ko. Kaso hindi pa iilang minuto nang may nag-anunsyo sa unahan. May hawak itong remote. Remote na maliit.
"Who's the lucky draw?!"
"Kuya?!!" Napasigaw ako sa gulat nang gumalaw iyong hawak ko. Nagkatawanan iyong mga katabi ko. Pero ako, ninerbyos na at mas lalong ninerbyos nang nag vibrate iyong sa paanan ko.
Namumutla ako sa takot. Si Kuya Jay at Kuya Arman, ay tinatawanan na rin ako. Noon ko... na-realize kung ano iyon, hindi naman na ako inosente. Alam ko kung anong shape iyon. At lalong alam ko kung para saan iyon.
At sa halip na matuwa... napaiyak ako. Sa harap ng marami. Umiyak ako nang umiyak. May lumapit para aluhin ako. May ibang nagsorry. Pinilit din ako nina Kuya Arman na tumahan na at joke lang iyon.
Pero... tae... bata pa ako, open minded naman ako. Pero hindi ko lang talaga kinaya itong ginawa nila sa akin.
"Arman, take her home..."
At mas lalo pa akong nahiya nang nakita ko kung paano ako titigan ng Boss nina Kuya. Parang... nawalan na ako ng kumpyansa. Sa pag-aakalang mapapansin niya ako pero hindi sa ganitong paraan.
Bata pa nga talaga ako... at hindi sapat iyong sinabi lang ng lahat na maganda ako, makinis, maputi, matalino, balingkinitan at matangkad kung ganito namang, napansin niya lang ako dahil sa pag-iyak ko. Dahil sa s*x toy na iyon.