01
“You may now, kiss the bride!” pumikit ako... hindi dahil ako yung hahalikan kundi dahil sa ibang babae ikakasal ang lalaking minsan na ring nangako sa'kin na papakasalan niya ako at bubuo kami ng pamilya.
“Hoy, teh! Tama na, umuwi nalang tayo.” umiling ako kay Caila. She's one of my close friends and kagaya ko, invited din siya sa kasal ng manloloko kong ex. Just how ironic 'no? I accepted the invitation but hindi man lang ako makaramdam ng acceptance sa lahat ng nangyari sa'min.
“I've been through these, Cai. And alam mong hindi ako makaka-move on kapag hindi ako nasaktan nang malala. Malay mo baka sa makalawa I'll realize kung gaano ako katanga para hindi kalimutan ang kupal na kinakasal.” binulong ko ang huling sentence na sinabi ko.
sorry po sa words, lord.
Napailing na lamang ni Caila sa sinabi ko dahil she knows me and alam niyang hindi talaga ako magsasawa sa lalaki kapag hindi ako nito sinaktan ng sobra pero I don't know kung ano pa ba ang sobra na ibig kong sabihin dahil ang lokohin nga ay grabe na yung sakit pero hindi pa rin eh, sa tanga kong 'to? Baka kahit maghalikan siguro sila sa harapan ko hindi pa rin madadala.
“Tapos na, pwede na tayong umuwi. Huwag na tayong makikain baka tumulo na uhog mo bago ka pa makasubo ng kanin.” saad ni Cai at tumango naman ako.
Nagpunta na kami sa kotse ko at hindi na nagpaalam, baka lumuhod pa ako sa harapan niya makahingi lang ng isa pang pagkakataon at sa harap pa talaga ng asawa niya.
Tangina. Asawa niya.
“Iiyak mo na 'yan, teh! Grabe, kanina ka pa sa condo! Hindi na magkamayaw si Rafa magmake-up sayo kasi kung hindi luha eh uhog mo naman ang tumutulo!” napahagulgol na ako sa sinabi ni Caila.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makarating kami sa condo kung saan apat kaming nakatira, ako, si Cai, Rafa tska si Miles. Nang pumasok ako sa condo ay sumalubong sa'kin ang mabangong ulam na alam kong si Miles ang nagluluto.
“Naks! Natapos nalang ang kasal umiiyak ka pa rin? Umiiyak ka na naman, langhiya talaga wala ka bang ibang alam?” kanta pa ni Rafa sa'kin na nagpahagulgol na naman sa'kin.
“Huwag mo nang dagdagan sakit ng dibdib n'yan, Rafa! Kita mong nasasaktan pa yung tao.” suway ni Miles kay Rafa at nag-peace sign naman si Rafa sa'kin na hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag-iyak.
“Hoy, mamayang gabi na pala uuwi sila tita! Lagot ka kapag nakita na naman niyang namumugto yung mata mo!” parang natatarantang saad ni Caila at napatigil din ako sa iyak dahil ang ibig sabihin lang nun ay ipapakasal na ako ni mommy sa isang CEO na hindi ko naman kilala.
“Ngayon ba yun?” humihikbi pang tanong ko, nanlalaki ang matang tumango tango si Rafa na parang tinatakot ako kaya lalo akong humagulgol.
Ewan ko ba, hindi naman ako ganito kadaling umiyak nung okay ako eh, tanginang mga lalaki kasi! Sana hindi nalang sila dumating sa buhay ko kung lolokohin lang din naman pala nila ako. Palagi nalang, palagi nalang iniiwan kung hindi iniiwan niloloko naman.
“Ayoko na! I will never love again! Sawa na 'kong lokohin! Lahat nalang, palagi nalang!” umiiyak na reklamo ko.
“Hindi pa nga umiinom ay nag-maoy na! Tahan ka na, Dev! Sabog na mascara mo tapos sabog pa buhok mo,” umiiling na saad ni Rafa sa'kin at pumasok na sa kaniyang kwarto.
“May ice pack sa ref, Dev. Kunin mo tapos ilagay mo sa mata mo para mamaya ay hindi na mugto 'yan. Naalala mo yung sinabi ni Tita sa'yo?” malumanay na paalala ni Miles sa'kin at tumango ako at nagpunas na ng luha habang humihikbi pa rin.
“Kung ayaw mong mangyari yun, huwag ka na munang umibig. Pero ang hindi ko talaga maintindihan is kung paano mo nakuhang pumunta pa talaga sa kasal ng ex mo, 'no? Hindi ka naman siguro nagch-chongke, teh?” binato ko ng tissue si Caila dahil sa kabaliwan niya.
“Hindi ba nakakadala ang mga nangyari sa buhay mo, Dev? I mean, hindi ka ba nagsasawa na paulit ulit nalang? Tapos ang bilis mo pang ma-in love kaya mabilis ka lang mapapaikot kasi hindi ka nagpapakipot. Tska ayaw mo bang mag-try ng something new? Like treat yourself in a vacation pero syempre kasama kami or try to entertain yourself! Hindi yung magmumukmok ka and then buong magdamag kang mag iiyak. It's okay naman if you want to isolate yourself just to feel okay and malabas mo lahat ng hinanakit mo but not always kasi we're here for you, ano pang silbi ng pagsasama natin sa iisang bubong kung hindi naman tayo magdadamayan?” niyakap ako ni Miles pagkatapos niyan sabihin yun, hindi ko man lang namalayang nakalapit na pala siya dahil nakayuko lang akong nakikinig sakaniya.
“I can't imagine you in an arranged marriage, Dev. It's a big no for me talaga para sayo kasi I know you want a marriage with love and loyalty kaya umayos ka, please! Huwag ka na magpapadala sa mga salitang binibitawan ng mga lalaki sa'yo.” umiiling na sabi ni Caila na parang nakokonsensya na rin siya sa mga ginagawa ng mga naging lalaki ko sa'kin.
“I know, I also noticed how fast akong pabilogin ng mga lalaki but I never learned, siguro kahit mabuntis ako tapos naging single mom uulit at uulit pa rin ako sa mga maling nagawa ko. Ang magtiwala ng buong buo sa mga lalaki. Even my dad left me so what should I expect?” nadidismayang saad ko at humiga na muna sa mahabang sofa sa sala namin.
“Tutulog ka muna?” mahinaong tanong ni Miles sa'kin at pagod akong tumango.