“Ba't ang dami naman ata?” nagtataka kong tanong, tumayo siya at lumapit sa likuran ko bago dahan dahang hinahalikan ang leeg at tenga ko, hindi ko mapigilan nang muling nag init ang pakiramdam ko.
“You deserve it. I have an event to attend to but I just wanna stay here all night with you.” bulong niya at inayos ang buhok ko at pinalis sa left side ng neck ko at hinalikan niya ang kabiling banda ng leeg ko dahilan para mapaharap ako sakaniya at tumingin agad siya sa mga mata ko at heto na naman ang mga mata niyang parang nagsusumamo palagi.
He was emotionless kanina habang nag uusap sila ni Vaughn and nung pinakilala na ako ni Vaughn ay nag iba at naging malumanay ang tingin niya. Ewan ko ba, siguro ay inuuto na naman ako ng lalaking 'to.
Okay lang, parang hindi ka naman sanay?
“You should go. May pupuntahan din naman ako.” mahinaon at tinago ko ang paghuhurumintado ng puso ko dahil halos kumawala na ito sa sobrang bilis at lakas ng t***k nito.
“Where is that event? Can I go there instead and be your escort?" natawa ako sa boses niya na parang magtatampo kapag sinabi kong hindi pwede.
“I'm going to a proposal event.” malungkot akong ngumiti sakaniya dahilan para mapakunot ang noo niya. Nag iwas na ako nang tingin sakaniya at pumili na sa mga gown na binili niya.
I picked the white mermaid gown with a shimmering finish, thin straps, and a sweetheart neckline. It will look perfect on me as I watch myself in front of the mirror. I look like a bride but an unhappy bride.
“What a coincidence. I'm going to a proposal event, too.” napabaling ako sakaniya at napansin ko ang pandidilim ng titig niya sa'kin.
“What do you mean?” nagugulohang tanong ko dahan dahan siyang lumapit sa'kin at naging malumanay ulit ang tingin niya sa'kin dahilan para mas magulohan pa ako lalo.
“So your name is Laureen?” tumango ako sakaniya.
“I'm Raven. Damon Raven. I hope you won't forget me.” nagugulohan akong ngumiti sakaniya at tinulak siya ng bahagya para makapagbihis na ako.
I shamelessly uncover my body before I put on my underwear and about to wear the gown pero hinila niya ako at siniil ng isang mainit na halik. Humawak ako sa leeg niya para mapalalim pa ang halik habang siya ay hinahawakan ang beywang ko at ginagalaw pababa patungo sa puwetan ko ang kamay niya.
“You look really hot and it's making me insane. I just wanna eat you more hanggang sa maglumpasay ka na sa sarap.” nag init ang pisngi ko sa sinabi niya habang nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya. I can hear his heart beating faster.
“Stop. I need to go,” malumanay at may lambing kong saad sakaniya at habang sinasabi ko iyon ay parang nangungulila na agad ako kahit nandito pa naman ako bisig niya at yakap yakap ko pa.
“Can I drive you there?” malambing at nagsusumamo na naman ang boses nito, bumitaw na ako sa yakap at tiningala siya.
I am a 5'9 woman and he's still towering me, making me look petite kahit malayo ako sa pagiging petite.
“I don't think that's a good idea.” saad ko na lamang dahil ayoko siyang idamay sa mangyayari mamaya at baka ay ipahiya pa siya ni mommy sa harapan ng mga tao.
“Alright. I won't force you dahil hindi naman ako ganoong tao.” napanganga ako nang talikuran niya ako at humiga ulit sa kama, iniwan akong hindi makapaniwala.
“Are you trying to make me woo you?” hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya, hindi siya sumagot at tumalikod pa ng higa sa banda ko at kinalikot na ang phone niya. “I really don't have time for these, Raven. I should probably go.” saad ko nang masuot ko na ang gown na napili ko.
Bago ko pa makuha ang bag ko ay nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagtayo.
“What's wrong with you?” nagtataka kong tanong dahil nakatayo lang itong nakatingin sa'kin.
“What's your number? Social accounts?” napakunot ang noo ko.
“Give me your phone.” saad ko at binigay niya naman sa'kin ang phone niya. I put my contacts there including my social media accounts. “Now, can I go?” walang emosyon siyang tumango at medyo may kumirot sa puso ko nang bumalik na ulit siya kanina na walang kaemo-emosyon na kausap ni Vaughn.
“Take care.” hindi na ako bumaling pagkatapos kong marinig yung sinabi niya bago ako lumabas ng kwarto at dumeretso na sa labasan ng bar. Hindi na rin ako nagpaalam kay Vaughn, maybe I'll just text him nalang.
May tamang bilis lang ang pagmamaneho ko papunta sa LF hotel at mabilis lang din akong nakarating at nagmamadaling pumasok na sa loob dahil alam kong galit si mommy at baka ipahiya niya pa ako sa harap ng mga tao.
“Devina!” napakislot agad ako nang marinig ang iritang boses ni mommy na may kasamang isang may katandaan ng babae, siguro ay kaedad niya lang ito. Natahimik ang paligid dahil sa pagtawag ni mommy sa'kin at hindi naman mahanap ng mga mata ko sila Rafa.
“Mom!” nagpilit ako ng ngiti dahil alam kong galit na si mom sa pagiging late ko dahil nabasa ko sa text niyang dapat ay on time ako but what can I do? It is what it is.
“Where have you been? Halos 30 minutes ka ng late! I told you to be on time!” napayuko ako dahil lumalakas na ang boses ni mommy at ramdam kong napapahiya na ako.
“It's okay, Delilah. She's old enough to do whatever she wants! Let your daughter be happy.” nakangiting saad nung babaeng kasama niya at bumaling sa'kin. “I'm Reanna, hija. Mother of your fiancee.” napalunok ako at halos manginig nang marinig ang sinabi niya.
I prepared myself for this but I'm still not happy about it. Nakipagkamay ako sakaniya at bineso niya rin ako.
“I'm Devina po. Devina Laureen.” pagpapakilala ko at nagpilit ng ngiti, sa di kalayuang banda ay may nahagip akong isang pamilyar na tindig ngunit hindi ko nakita ang mukha nito dahil tila dumaan lang ito sa hallway na nasa gilid ng venue.
“You really look pretty, hija. And your curves! Babagay ka talaga kay Devon! I never regret signing a partnership contract with you, Delilah.” masayang tono na sinabi ni Mrs. Reanna.
“Good evening, ladies and gentlemen! Under the calm of the night sky and in the warmth of your presence. Something truly special is about to happen! Please let us welcome the man of the night, Mr. Devon!” nagsipalakpakan ang mga tao at umakyat sa stage and isang lalaki...
What the heck, Raven?
Kumalabog ang dibdib ko nang makitang si Raven ang nasa stage at nagsasalita pero parang akong nabingi dahil parang may mali nang makita kong iba ang gupit ng kaniyang buhok, pero si Raven 'to!
“Good evening! Thank you all for being here tonight. This is a special moment for me and I'm so glad I get to share it with the people I love. Tonight, a very special someone my soon to be wife is here and watching me saying these things. She might think this is silly because sho knows me as a not so fond of gatherings but here I am!” ngumiti siya at tumingin sa'kin na ikinagulat ko dahil hindi ko alam pero may mali talaga sakaniya parang hindi siya si Raven.
“Pumunta ka dun,” walang emosyong utos ni mmmy sa'kin at nagpilit ulit ako ng ngiti at naglakad papunta sa stage kung saan maraming nakasunod ang mga mata sa'kin at parang binabantayan ang bawat galaw ng binti ko papunta sa stage kung nasaan ang sinasabing magiging asawa ko.
Nakangiti ito sa'kin pero nakikita ko sa mata niyang hindi totoo ang ngiting 'to at nagpapanggap lang siya. Siguro ay para matapos na rin ang lahat ng ito. Ngunit ang katotohanan ay nagsisimula pa lamang ang lahat.
“Good evening, everyone! I'm happy na nandito kayo ngayon. I'm really hoping to see my family and friends here tonight but I didn't expect it na makakadalo talaga kayong lahat! Thank you for coming!” itinigil ko na ang pagbibigay ng greetings dahil napapansin kong parang nagiging sarkastiko na ang tono ng pananalita ko. Ibinalik ko na ang mic sa host para siya na ang magpatuloy sa pagsasalita.
“Please, smile. I don't want this night to fail.” muntik na akong mapatalon sa lamig ng boses niya. Nagpilit ako ng ngiting tumingin sakaniya ng deretso sa mata.
“Don't worry. I just want this night to end so I'll just go with the flow, I mean wala naman akong ibang choice.” nakangiting saad ko at napansin ko ang pag igting ng panga niya dahil sa sinabi ko.
“You didn't even mention me in your speech. You should have pretended that we're inlove and in a relationship,” pinigilan ko ang sarili mapairap dahil sa sinabi niya.
Kamukhang kamukha niya talaga si Raven at hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari pero ngayon na nakita ko siya ng malapitan ay napagtanto kong wala siyang nunal habang si Raven ay may maliit na nunal na nasa ibaba ng mata nito.
“I understand if may boyfriend ka and it'll be okay because I'll just need you for three years or four.” saad niya na ikinairita ko dahil parang kung sino siya kung makapagsalita.
“You think it will work like that? I don't even know you and ngayon ko pa nga lang nalaman ang pangalan mo and here you are pretending to be in a relationship with me when the fact hindi naman talaga tayo magkakilala.” nakangiti pa rin ako para masabi ng mga tao na masaya kaming nag uusap eh ang totoo naman ay hindi talaga kami magkaintindihan.
“Then, let's talk later and settle things down. For now, I want you to calm down.” mahinaon ang boses niya at parang nakita ko si Raven dahil sa paraan nang pananalita niya ngayon lang.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga tao na ngayon ay nakatingin sa'min ni Devon nang may ngiti sa labi na akala nila ay nakakatuwa ang pangyayaring 'to.
Pagkatapos ng greetings and speeches ay bumaba na kami ng stage at hihiwalay na sana ako ng daan sakaniya nang hilahin niya ako at inakbayan.
Masusuntok kita, makikita mo talaga.
Muntik ng kumunot ang noo ko pero buti nalang ay naalala ko agad na nagpapanggap nga pala kami para sa ikakasaya ng lahat. Hanep talaga.
Nagpunta kaming dalawa sa table ng family niya kung nasaan na nakikihalubilo si mom at nang makita kami ay malaki ang ngiti nito. Ako naman ay nagpilit ng ngiti. May babaeng nakipagbeso sa'kin na hindi ko naman kilala pero inaasahan ko ng baka kapatid 'to ni Devon.
“I'm Ella! Kapatid ni Devon. Older siseer since may panganay pa kaming babae rin.” nginitian ko lang siya at nakipagkilala na rin sa iba pang pamilya ni Devon kahit ayoko naman talaga.
Pero natigilan ako nang kumalabog ang puso ko dahil nakita ko siya, seryosong nakatingin sa'kin at sa braso kong naka-ankla sa braso ni Devon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw nung siya na ang magpapakilala.
“I'm Damon.” maikling saad niya at hindi man lang ngumiti, wala rin akong makitang emosyon sa mukha niya dahilan para kabahan ako sa di malamang kadahilanan.