CHAPTER 01: THE GIRL HE NEVER LOVE
KEILEE'S P.O.V
"Aalis na ako" saad ni River nang matapos nya ang kanyang pagkain at mabilis na kinuha ng kanyang coat sa kabilang upuan
"River, a-anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kanya
"Why do you even need to know what time I'm going home?" Halata sa boses nya ang pagiging iritado
"Ah, wala naman gusto lang kitang makasamang kumain mamayang dinner" tugon ko naman sa kanya
"I'm going to a dinner with Kayla because we were going to talk about business, and it was very important" he said
Si Kayla na naman ang dahilan nya...
"Bakit ano bang meron?" Iritadong tanong nya sakin
"Ah! I just realized that we haven't always had dinner together since we got married, so I thought I'd just invite you to dinner, but since you said that Kayla and you will talk about business, maybe next time na lang kita aayain hehe" pilit kong tawa matapos kong sabihin iyon
Lagi naman kaming ganito simula ng kinasal kami two years ago, he never looked at me or talked to me the same way he did to Kayla. Alam ko namang si Kayla ang first love nya at kontrata lang ang kasal namin dahil sa may sakit si mama at kailangan ko ng pera para sa operasyon nya
"Magkasama naman na tayo sa iisang bahay, magkatabi tayong natutulog, magkasabay tayong kumakain ng umagahan, hindi pa ba sapat sayo 'yon?" Kunot noong tanong nya sakin
"Sorry, sorry, nagbabasakali lang naman ako hehe. Anyway, di ba may meeting ka pa ngayong umaga? Bilisan mo na para hindi ka ma-late at kanina pa rin nag-aabang sayo si Sid sa labas, take care" saad ko sa kanya at muli akong bumalik sa pagkakaupo samantalang si River naman ay hindi na ako sinagot at umalis na lamang
5 MINUTES LATER
Five minutes have passed since River left here at home to go to work. Nothing has changed the house is still very quiet. Kahit andito si River tahimik pa din ang bahay dahil ayaw nya ng maingay
RING! RING! RING!
"Hello?"
"Keileeeeeeee!"
"Oh my gosh! Is that you October?!"
"So nakalimutan mo na rin ba pati boses ko?!"
"HAHAHAHA! Hindi ah, nagulat lang ako na bigla kang tumawag hehe"
"Malamang tatawag ako kasi birthday ng bestfriend ko duh!"
Yeah, today is my birthday, yet River forgot about it again
"Thank you, nag-abala ka pa"
"So kumusta naman kayo ni River? Huwag mong sabihing nakalimutan na naman nya ang birthday mo dahil sa busy schedule nya?"
"Huh? Hindi ah, actually lalabas nga kami mamayang gabi for dinner. May importanteng meeting lang sya ngayong umaga"
"Buti naman kung ganoon"
"Eh ikaw? Kamusta ka dyan sa Africa?"
"Girl! Kung hindi ka kinasal ng maaga edi sana kasama ka ngayon!"
"HAHAHAHA pasensya ka na archeologist October maaga kasing na in love ang kaibigan mo HAHAHAHA"
"Sige! Painggitin mo pa ako sayo!"
"I'm just kidding, anyway, kailan ang balik mo dito?"
"After two months"
"Wow!"
"Anyway, baka mawalan ako ng contact sayo sa dalawang buwan na 'yon ah"
"Huh? Bakit naman?"
"Susubukan naming alamin kung totoo nga yung chismis tungkol kay King Tut"
"I'm jealous of you. You have a chance to know King Tut's history in person, even if only a little"
"Kung mayroon mang dapat kainggitan eh ikaw 'yon, biruin mo yung asawa mo hindi lang gwapo kundi mayaman at maalagain pa"
"Yeah, yeah, mainggit ka lang HAHAHAHA"
"Letche! HAHAHAHA sige na, tinatawag na nila ako eh. Happy birthday ulit Keilee!"
"Thank you, mag-ingat ka dyan ah"
"Sure, byeee!"
"Bye"
"Tahimik na ulit" usap ko sa aking sarili matapos kong ibaba ang tawag
Gusto kong bisitahin ngayong araw si mama kaso naalala ko na ang alam nya ay magkasama kami ni River ngayon sa pag-celebrate ng birthday ko at ayoko namang mahuli ako ni mama na iba ang pakikitungo sa akin ni River sa harap ng maraming tao at kapag kaming dalawa lang, hanggang kailan kaya kami magiging ganito?
Wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi linisin ang buong bahay dahil wala naman akong ibang kaibigan na makakasama dahil si October lang naman ang tangi kong kaibigan at wala rin kaming katulong ni River sa pamamahay na ito. Naglinis lang ako nang naglinis hanggang sa abutin ako ng hapon kaya nagdesisyon na akong magluto ng pagkain ko.
7:30 PM
"Masarap sana ito kung kasama ko si River" muli ko na namang usap sa aking sarili habang mag-isa akong kumakain ng mga pagkain niluto ko, birthday ko naman kaya wala naman atang masama kahit magluto ako ng medyo marami dahil mauubos ko naman ang lahat ng ito
"Keilee" tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko
"River?!" Singhal ko sa gulat ng makita syang nakatayo sa pintuan ng dining area
Anong ginagawa nya dito? Akala ko ba may dinner si Kayla? Bakit ang aga nyang umuwi?
"Bakit parang gulat na gulat kang nakita mo ako?" Kunot noong tanong nya sakin
"H-hindi n-naman, haha, a-ano l-lang nagulat lang ako kasi bigla mo akong tinawag, saka di ba dapat mamaya ka pa uuwi?" Utal na sagot ko naman sa kanya
"Masama bang umuwi ako ng maaga? Bahay ko naman 'to di ba?" Seryosong sambit ni River at agad syang naupo sa upuan
"You cooked a lot. What's up?" Tanong nya
Oh! Magandang oportunidad 'to na makasama ko sya sa dinner at birthday ko din! Lucky!
"Well, you know? Today is my bir-----" He cut me off
"Whatever your reason, you shouldn't cook a lot of food because you're the only one who's going to eat it. You're wasting food" iritadong saad nya kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko
Wala pa ring nagbago, lagi pa rin syang naiirita sa lahat ng ginagawa ko at kahit ano pang gawin ko hindi na talaga magbabago ang tingin sakin ni River. Lahat na lang ng gawin ko o gagawin ko ay mali para sa kanya.
"I'm sorry, medyo nasa mood lang kasi ako na magluto. Pero don't worry kaya ko namang ubusin mag-isa ang lahat ng iyan kaya hindi sila masasayang" saad ko habang pilit kong inaayos ang boses kong nanginginig dahil gusto ko ng umiyak
"Then that's good" he said
"B-bakit ka nga pala maagang umuwi?" Tanong ko naman sa kanya
"Oh yeah, I almost forgot about that part" he said and sit properly
"I have something to say" dagdag nya
"Hmm, what is it?" Tanong ko
"I'm going on a business trip to the Maldives with Kayla. You probably remember what I said earlier, we were talking about business, right?" He said and raise his right eyebrow
"Yes, I remember" maiksing sagot ko sa kanya
Kayla na naman
"So we will stay there for a month to focus on the construction of Kayla's make-up business branch" sabi pa ni River
"Um... So what are you trying to say?" Tanong ko sa kanya habang pinipilit ang pagngiti ko
"Habang nasa Maldives ako, gusto ko dito ka lang sa bahay at lalabas ka lang tuwing pupunta ka kay Mrs. Raven sa hospital" sabi ko na nga ba at sasabihin nya sakin 'yan
"Sure, wala naman akong ibang pupuntahan saka wala naman akong kaibigan di ba?" I said as I faked my smile to him. I don't know the reason, but my hands were shaking so badly. I was afraid that River might see it and make me look like a fool in front of him. So I hid my hand under the table while I suppressed the shaking.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo" sambit ni River
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" Huwag ka nang umasa na maalala nya ang birthday mo ngayon dahil si Kayla lang ang nasa isip nya
"Yes, meron pa" he said
"Yeah?"
"Bukas na ng umaga ang alis namin kaya ako umuwi ng maaga para makapag-impake ng mga gamit ko" tugon nya sakin bago tumayo sa kanyang kinauupuan at maglakad papalabas ng dining area habang ako naman ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak
I don't know what I did wrong in this world and why I am just experiencing such torture. I thought this was my chance to be with River on my birthday, but no, because he forgot my birthday again.
Nakalimutan nya o wala talaga syang pake sa birthday ko dahil sa dalawa't kalahating taon naming pagsasama ay kahit kailan ay hindi pa ako nakatanggap ng kahit ano mula kay River liban na lang kung maraming tao ang nakatingin samin.
"Ah, forget it. Sanay ka naman sa ganito di ba, Keilee?" Saad ko sa aking sarili at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nagpatuloy na lang ako sa pagkain
KINABUKASAN
"Wala ka na bang ibang dadalhin?" Tanong ko kay River habang kanyang inilalagay sa likod ng sasakyan ang kanyang maleta
"Wala na" maiksing sagot naman nya sakin
"Sige, ingat ka sa byahe" saad ko
"Oh" he simply replied as he enter inside the car and drive it without saying anything to me
Hindi ko na lamang pinansin ang ginawa ni River at pumasok na lang ako sa bahay para mag-asikaso ng sarili ko dahil bibisitahin ko sa hospital si mama.
AT THE HOSPITAL
"Mamaaaaa!" Tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa kwarto nya at bigyan sya ng mahigpit na yakap
"Grabe naman ang higpit ng yakap mo, anong meron?" Tanong sakin ni mama
"Wala naman, hindi kasi kita nakita kahapon kaya miss na miss kita" pagsisinungaling ko naman sa kanya
"Kumusta naman ang birthday mo kahapon?" Tanong pa ni mama
"Sobrang saya, kita mo 'tong bago kong kwintas? River bought this for me" that's a lie
"Oh my, napakaganda naman nito" tuwang saad ni mama at hinawakan ang kwintas na binili ko lang kanina bago ako matungo dito
"Di ba?" Natatawang tanong ko
"I see, River likes to spoil you" said mama and pinched my cheeks
"Aww! It's not my fault, he's just doting his beautiful wife" pagiinarte ko naman sa kanya
"Is that so? Then I'm happy that my daughter finds a caring husband like him" nakangiting saad sakin ni mama
"That's why kailangan mong gumaling para mas sumaya pa ako" sabi ko naman at inilingan lang ako ni mama na para bang hindi sya sang-ayon sa sinabi kong iyon
"You have to live for yourself" she said and cares my cheeks
"Ma, what are you saying?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Wala naman, sinasabi ko lang ang dapat kong sabihin dahil may pamilya ka na at hindi mo na dapat ako masyadong isipin" saad ni mama
"Mama, pamilya kita at anak mo ako kaya natural lang na isipin kita" sabi ko naman at inayos ang kumot nya
"Hala sya, sige, bahala kang bata ka" tugon sakin ni mama at mahinang tinapik ang balikat ko
Ilang oras din akong nakipag-kwentuhan kay mama at sinamahan ko syang maglakad-lakad sa tapat ng hospital bago ako umuwi sa bahay.
Nasa bahay na ako at papahinga ng biglang tumunog ang phone ko, someone is calling me base on the ring tone
RING! RING! RING!
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko nang masagot ko ang tawag dahil hindi naka-register ang phone number na tumatawag sakin
"Is this Ms. Keilee Raven's number?"
"Yes and this is Keilee Raven, what can I do for you?"
"Oh, good evening Ms. Raven. My name is Antton Cruz from Geo-company"
Geo-company?! This is the famous company that seeks archaeologists every year for their expeditions around the world! Anong kailangan nila sakin at paano nila nalaman ang phone number ko?
"Ms. Raven, maybe I surprised you, so you can't speak" saad nya mula sa kabilang linya
"Ah, no! Hindi lang ako makapaniwalang may tumawag sakin galing Geo-company, I'm sorry"
"Is that so? Well, if you're doing something I'm sorry for disturbing you"
"It's okay Mr. Cruz, but can I ask where did you get my number and how come that the famous Antton Cruz called me personally? You must have needed something for me, right?"
"I'm glad you asked. Your friend named October gave me your number"
"Oh, it's October"
"I just want to ask you Ms. Raven if you are free tomorrow, because I would like to talk to you about something big"
Bukas? Well, wala naman si River dito plus wala naman syang iniwang tao para bantayan ako kaya siguro ayos lang kung makipagkita ako kay Mr. Cruz, chance ko na din 'tong makahingi ng autograph sa kanya!
"Sure Mr. Cruz, I'm absolutely free tomorrow"
"That's good to hear, so I'll text you later the time and place where we're going to meet"
"Yes, thank you Mr. Cruz"
"You're welcome Ms. Raven, I'll see you tomorrow"
"Yes"
Matapos kong sabihin iyon ay agad ko nang binaba ang tawag. Hindi ako makapaniwalang si Mr. Cruz mismo ang tumawag sakin, pero anong kailangan nya sakin?
"Oh! I must call October to ask her"
RING! RING! RING!
"Sorry, the number you have dial is not available. Please try your call later"
"Nakalimutan kong wala nga palang signal si October at kumpiskado ang mga cellphones nila doon" malungkot na saad ko sa aking sarili
Panigurado akong hindi ako makakatulog ng maayos nito ngayong gabi.
KINABUKASAN
"Hindi nga talaga ako nakatulog!"
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa lugar na sinabi sa akin ni Mr. Cruz, andito ako ngayon sa isang Cafe malapit sa University of the Philippines at dito ko kikitain si Mr. Cruz ngayon.
"Welcome to our cafe. Please sit wherever you like to" bati sakin ng isang empliyadong dumaan sa harap ko at binigyan ako ng isang maliwanag na ngiti
"Oh, thank you" nakangiting pasasalamat ko naman sa kanya at agad akong nagpalinga linga sa buong paligid upang hanapin si Mr. Cruz na agad kong nakita sa dulo sa ng cafe at kinakawayan ako kaya agad akong naglakad papunta sa kanya
"Good morning, Mr. Cruz" bati ko sa kanya
"It's nice to finally meet you, Ms. Raven. Good morning. Please have a seat." Nakangiting tugon nya sakin at mabilis naman akong umupo sa upuan na kanyang tinuro
"It's my pleasure to meet you, Mr. Cruz." Saad ko at nakipag-kamay sa kanya
Gusto ko sanang itama ang tawag nya sakin pero iilang tao lang naman ang nakakaalam na kasal na ako dahil contractual marriage lang rin naman ito
Forget about it for now Keilee! Tignan mo kung sinong nasa harap mo, ayan ang paborito mong archaeologist di ba?! FOCUS!
"Pasensya na kung biglaan ang lahat ng ito ah" aniya Mr. Cruz
"Ay, hindi po. Ayos lang po" saad ko naman sa kanya
"Well, the reason why I want to meet you personally is to discuss something with you, or should I say, I have a proposal for you. Ms. Raven" sabi nya na nagpakunot sa noo ko
"A-ano po i-iyon?" Utal na tanong ko sa kanya, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa gusto kong malaman ang dahilan kung bakit bigla akong tinawagan ni Mr. Cruz at bakit kailangan pa naming magkita personally
Hindi kaya nalaman na nya yung ibang lines sa libro nya ay ginaya ko noong gumawa ako ng thesis noong college ako?!
Makukulong na ba ako?!
Hindi, paano si mama kapag nakulong ako?
Makakasuhan ako ng plagiarism?!
No, it's okay. Andyan naman si River para pyansahan ako eh.
Wait. Will he?
"I want you to go to China with me to study more about the history of China's lost civilization." he said directly
Huh?!
"W-what d-did y-you s-say?" Utal utal na tanong ko sa kanya, hindi sa hindi ko naintindihan ang sinabi sakin ni Mr. Cruz. Nabigla lang ako
"I said I---" I cut him off
"I'm sorry Mr. Cruz, na gets ko po yung sinabi nyo let's just say na nagulat lang ako kaya ganun yung sinabi ko" saad ko at umiling-iling pa
"Is that so, haha" he said
"Lost civilization? You mean that village in Sanxingdui, in Sichuan Province kung saan may nakitang kakaibang artifact noong 1929?" Kunot noong tanong ko
"Wow! You know that, I guess hindi nagkamali ang board sa pagpili sayo" nakangiting sambit nya sakin
"Board? What do you mean by that, Mr. Cruz?" Naguguluhang tanong ko
"October recommend you to us, hindi ko din alam ang ibang detail pero ang narinig ko hindi daw tumigil si October kakakulit sa board members na isama ka sa mga candidates sa pagpipilian na isasama ko sa china para sa project na 'to" paliwanag nya
Damn that October! I should kiss her a hundred times when she gets back from her adventure HAHAHAHA!
"Haha, really?" I laugh awkwardly at him
"Yeah, and your background really shocks me kaya naisip kong ikaw ang isama ko dahil sa binigay na document ni October patungkol sayo at hindi ko alam na sobrang knowledgeable mo pala talaga!" Pagpuri sakin ni Mr. Cruz
"HAHA! Don't say that Mr. Cruz, mas marami ka pa ring experience kaysa sa akin" saad ko
"I want to know your answer if you are willing to join me on this project." He said in a serious voice
"Umm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mr. Cruz dahil gusto kong sumama but at the same time hindi ko maiwan si mama dahil ako lang ang meron sya pero gusto ko talagang sumama dahil sobrang laki ng offer na ito at makakapunta pa ako abroad just to learn something
"Well, hindi mo naman ako kailangang sagutin ngayon. I will give you enough time to think carefully about whether you will accept my offer or not at kung ano man ang magiging desisyon mo, Ms. Raven. I will respect it" he explained
"Oh, walang deadline ang project na ito kaya kahit isang buong taon kang mag-isip ay ayos lang sakin" dagdag pa nya habang nakangiti sakin
"Thank you for your offer. Mr. Cruz. Don't worry, I'll think about it carefully because I really want to agree to your offer right away because if I agree to what you want, it will be my big break and I can even call myself an official archeologist, at sa inyo na rin nanggaling na si October ang nag-recommend sa akin eh sigurado akong aware kayo na ang mama ko ay nasa hospital at ako na lang ang nag-iisa nyang pamilya kaya hindi ako basta bastang magkapag-desisyon kahit na gusto ko talaga" paliwanag ko naman sa kanya
"You have nothing to worry about because I am aware of your situation" he simply replied
"Thank you for your consideration." I said
"Once you agreed, you have nothing to worry about dahil sagot na ng kumpanya ang lahat ng kakailangan natin" sabi pa nya
"Pero bakit ako?" Kunot noong tanong ko
"What do you mean?" He asked
"Well, there are more people with experience than me, but among them, I'm the one you really choose knowing I don't have any experience. Yes, I study archeology, but I've never worked in the field" kibit balikat kong paliwanag kay Mr. Cruz
"I saw you work" he said
"W-what?"
"I saw one of your thesis work and some of the lines there are from my book" he said
Patay, ito na nga ba ang sinasabi ko eh!
"Um, ano... Mr. Cru-----" he cut me off
"It's okay. In fact, I was happy with your work because, even though you took some lines from my book, you made your own conclusion and theory from those lines, and that was the reason why I chose to include you when I went to China. Ano naman ang silbi ng experience sa field kung hindi ka magaling gumawa ng conclusion at theory na sobrang accurate?" Taas kilay na saad ni Mr. Cruz sakin
"O-okay Mr. Cruz, but please huwag po kayong umasang maasahan nyo ko sa lahat ng oras kapag sumama ako sa inyo" pikit matang saad ko habang magkadikit ang aking mga palad na para bang ako'y nagdadasal
"Okay, Give me a call ones you made up your mind" he said
"Thank you, Mr. Cruz" I replied to him
"Well, I think it's time for me to go now. See again Ms. Raven" sambit nya bago tumayo at tapikin ang balikat ko bilang tanda na aalis na sya
"Ah, salamat po" agad akong tumayo at humarap sa kanya ng maayos at hinintay syang makalabas ng cafe.
AT CASA DE COLLYMORE
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko, hindi ako makapaniwalang nakita ko sa personal ang favorite archeologist and book author ko!
"Para bang panaginip lang ang lahat"
Oh! I should call River to tell him about this!
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
"The number you have dial is not available. Please try your call later."
Huh? Bakit hindi sinasagot ni River? Is he busy right now?
"Let me call him again"
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
RING! RING! RING!
"Sorry, the number you have dial is now unattended. Please try your call later"
"Well, he must be working right now HAHA!" I bitterly smile and put my phone beside me.
It's been two weeks since River went to the Maldives with Kayla, and during those two weeks, River hasn't even been able to greet me or update me on how he's doing. Habang ako naman ay patuloy pa din ang pag-iwan ng mga message sa kanya na may halong pagbabakasakali na basahin nya ito kahit na alam ko sa sarili kong malabo ang bagay na iyon.
"Well, babalik naman na sya by the end of the month kaya hihintayin ko na lang sya siguro" pangungumbinsi ko sa aking sarili
Kaya imbis na hayaan ko ang sarili kong mabagot sa loob ng bahay na ako lang naman ang tao ay naupo na lamang ako sa sofa at binuksan ang TV upang manood at sa pagbukas ko ng TV ay halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng juice dahil sa balitang nakita ko
Eh? What's happening?
"Double C Company CEO River Collymore was photographed in the Maldives kissing her secret girlfriend in the bar, whom people say is Kayla, allegedly." Basa ko sa balita
Anong sinasabi nilang girlfriend, andito ako sa bahay namin at ako ang asawa ni River!
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa kusina at agad akong natungo sa lahat ng social media platform na alam ko upang makasiguro, hanggang sa makita ko ang isang twitter account na nag-post ng litrato ni River na may kasamang babae sa bar at binasa ko ang mga comment ng mga tao rito
"Oh my gosh! Matagal na talaga akong may kutob na may someone na si River, hindi nya lang sinasabi in public!"
"Ako lang ba ang nakapansin na parang si Kayla yung babae?"
"Is that Kayla? Kasi remember may nag-photograph din sa kanila na sabay silang dumating sa airport gamit lang ang isang sasakyan?"
"Tama talaga ang hinala ko na may something kay River at Ms. Kayla"
Ilan lang iyon sa mga comment na nabasa ko mula sa twitter, Anong nangyayari?
RING! RING! RING!
"Huh? Sino 'to?" Kunot noong tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang isang hindi pamilyar na phone number sa screen ng cellphone ko
"Hello?"
"Is this Ms. Keilee Raven, the daughter of Mrs. Heena Raven?"
"Yes, who is this?"
"Ms. Keilee Please come to the hospital today because your mom had a heart attack and is now in the operating room."
"What did you say?!" Singhal ko at hindi ko na hinintay pang sumagot muli ang taong tumawag sakin bagkus ay agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng bahay upang magtungo kay mama
"What is happening?"
"Bakit biglang inatake si mama sa puso eh wala naman syang heart disease o kahit anong kumplikasyon sa puso. Anong nangyayari sayo mama?" Usap ko sa aking sarili nang makasakay ako sa taxi
"Kuya, wala na kayong ibibilis dito?" Natatarantang tanong ko sa driver
"Pasensya na kayo ma'am, ganitong takbo lang po talaga dahil baka mabangga tayo" tugon nya sakin
"Dodoblehin ko na yung bayad kuya basta bilisan mo lang please, yung mama ko kasi nasa hospital ngayon at kailangan ko syang puntahan nakikiusap ako sayo kuya" pagmamakaawa ko naman sa kanya
"Kung nagmamadali talaga kayo ma'am, may alam akong short cut pero medyo mahirap nga lang ang daan. Ayos lang ba sa inyo iyon?" Tanong nya sakin
"Oo kuya, kahit doblehin ko pa ang bayad!" Mabilis na saad ko sa kanya at tinanguan nya lamang ako bilang kanyang sagot at dali dali nyang inikot ang kotse para magpunta sa tinutukoy nyang daan
"Ma'am, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ng driver habang dumadaan kami sa malubak na kalsada
"Kuya pakibilisan na lang oh" pagmamakaawa ko sa kanya
Hindi ko alam kung anong nangyari kay mama at kung bakit bigla syang inatake sa puso, wala naman syang sakit sa puso.
30 MINUTES LATER
"Ma'am, andito na po tay----" Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla kong iabot sa kanya ang aking bayad at mabilis akong lumabas ng sasakyan
"Salamat kuya!" Pasasalamat ko sa kanya at agad akong kumaripas ng takbo papasok ng hospital at nagtungo sa operating room
"W-what h-happened t-to m-my m-mom?" Utal utal kong tanong sa isang babaeng nakatayo sa harap ng operating room
"Ms. Raven?" Tanong nya sakin, base sa suot nya ay isa syang nurse. She must be the one who called me earlier
"Yes, that's me" sagot ko naman nang makahinga ako ng maayos dahil sa hingal ko gawa nang pagtakbo ko
"Please have a seat first." She said and helped me
"Anong nangyari at bakit nasa operating room si mama? Ang sabi ng doctor umaayos daw ang kalusugan ni mama pero bakit sya inatake sa puso?" Sunod sunod na tanong ko sa nurse
"Hindi rin po namin alam ang nangyari Ms. Raven. Kanina lang ay nasa lounge sya kasama ang ibang pasyente at nagkakatuwaan nang bigla kaming tawagin ni Mrs. Alfue na inatake daw sa puso si Mrs. Raven at tumama ang ulo sa upuan" paliwanag nya sakin
"Ilang minuto o oras na ang tinatagal ni mama sa loob?" Mahinahong tanong ko, kailangan kong maging kalmado dahil hindi ko mareresolba ang lahat ng ito kung papaapawin ko ang emosyon ko
"It's been an hour since she entered the room" sagot sakin ng nurse
"Does her head bleed when she fell?" Kunot noong tanong ko pa
"Yes Ms. Raven. But the doctors and nurses are trying their best inside" she said
"f**k" ayon na lang ang nasabi ko nang marinig ko ang sagot nya sakin
Hindi ko alam kung nakailang balik na ako sa pinto ng operating room at sa upuan ko dahil sa kaba at takot, halos dalawang oras na si mama sa loob pero ni isang tao wala pa ring lumalabas sa operating room na mas nagpataas lalo ng anxiety ko
"Mom, please be okay" saad ko sa aking sarili at naupo akong muli
ONE HOUR LATER
"Nurse, tatlong oras na ang nakalipas. Bakit wala pa ring lumalabas?" Unti unting lumalakas ang kabog ng dibdib ko at parang may hindi magandang mangyayari
"Ms. Raven please calm down" parang gusto ko na lang talagang magwala dito dahil kanina ko pa naririnig sa kanya ang mga salitang iyan
CLING!
Napatingin naman ako sa pinto ng operating room nang marinig ko itong bumukas at makitang may lumabas dito
"Are you the doctor?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako
"Where's my mom? How is she? Is the operation successful?" Sunod sunod na tanong ko
"Are you the family of the patient?" Tanong nya sakin
"Yes, I'm her daughter" mabilis kong sagot
I frowned when the doctor in front of me didn't speak but just bent down and avoided looking at me.
"Why aren't you saying anything doc?" Kunot noong tanong ko kasabay ang paghawak sa balikat nya
"Answer me. Where's my mom?!" And my heart started beating faster again because of the nervousness when I saw the doctor's eyes.
"I'm so sorry Ms. Raven. We did our be-----" I cut him off
"You did your best? If you did your best, then it's not like this!" Sigaw ko sa kanila
"H-hindi pwede 'to!" Sigaw ko pa
"Ms. Raven kumalma po muna kayo" saad nung nurse
"Isa ka pa! Kanina ko pa naririnig sayo yang salitang iyan! Paano ako kakalma when... When... When..." I suddenly burst into tears
"I'm sorry, Ms. Raven. We really did our best, but the patient was not really able to fight because of old age." Pagpapatuloy ng doctor sa dapat nyang sasabihin sakin kanina. Because of what he said, it was as if my whole world had collapsed and my knee suddenly fell on the floor because of the shock.
"No, hindi pwede 'to!" Singhal ko habang humahagulgol
I didn't know what to do. I felt like I was going crazy because of what was happening to me. What did I do wrong in my previous life, and why is the Lord punishing me in this way?
"Mom! I want to see her!" Saad ko at inalalayan ako ng doctor at nurse sa pagtayo
"Pero hindi po kayo pwedeng pumas---" Hindi na nila naituloy ang sasabihin nila ng bigla akong tumakbo papasok sa loob ng operating room at naabutan ang isang nurse na tinatakpan ng puting kumot si mama
"A-are you the family of th----" I cut her off
"Shut up!" Sigaw ko sa kanilang lahat at agad kong nilapitan si mama
"Ma, anong ginagawa mo dyan? Gumising ka dyan" naiiyak kong saad
"Mama, di ba gusto mo pa akong makita na matupad ko yung pangarap ko? Anong ginagawa mo dyan? Gising ka na mama please" usap ko sa kanya kahit na pa alam ko naman ng wala na talaga sya
"Ikaw na lang yung kakampi ko sa lahat pero bakit iniwan mo din ako?" Hagulgol kong sambit habang yakap yakap ko si mama
Wala na yung nagiisang kakampi ko sa mundong 'to. Wala na yung taong ginagawa kong lakas para lumaban sa araw araw. Wala na yung taong naniniwala sakin.
"Ang daya mo ma, sumunod ka agad kay papa. Hindi ka man lang nagpa-alam sakin ng maayos" usap ko sa kanya habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa aking pisngi