CHAPTER 06: A NORMAL DAY, MAYBE?

5000 Words
"I'm four years old" mabilis na sagot naman sa kanya ni Marina "Woah, apat na taon na pala ang anak mo, Keilee" aniya Red habang nakangiti "Kakasabi nya lang di ba?" Sarkastiko ko namang sambit at ibinaling ko na lang ang aking atensyon kay Marina "Marina!" Singhal ko dito at agad kong kinuha ang pagkaing kanya dapat na isusubo "M-mommy?" She said with teary eyes "S-sorry, sweetie, mommy didn't mean to shout you. I'm sorry, okay?" Agad ko namang saad sa kanya at binigyan ito ng yakap "But the food" aniya Marina sa malungkot na tono "Marina, sweetie? Look at the dish you took, what's that?" Saad ko at agad naman nya akong inilingan bilang sagot na hindi nya ito alam "That dish is called kare-kare, and do you know what's in it?" Tanong ko pa sa kanya "Vegetables?" Sagot sakin ni Marina na ikinatawa naman nila Red at Seven "Pfft!" Agad akong na patingin kay River nang marinig ko ang mahinang tunog na iyon ngunit nang lingunin ko sya ay suot na naman nya ang seryosong ekspresyon ng kaniyang mukha "Bakit Keilee? Hayaan mo yung anak mo na kumain ng gusto nyang kainin" sabi ni Seven "She can't eat that food" seryosong tugon ko naman sa kanya "Why?" Sabay na tanong naman sakin ng dalawa na mga nakakunot pa ang noo "She's allergic to peanuts and we all know that one of kare-kare's recipe is peanut butter, so I can't let her eat it" paliwanag ko "She's allergic to peanuts too?!" Tanong ni Red na gulat na gulat "Too?" Kunot noong tanong ko "Yeah, River has peanut allergy too" mabilis nitong sagot sakin What the f**k?! Sa dinami raming pwedeng maging allergy nitong taong 'to ay sa mga mani pa talaga! Mas pinapatunayan nya lang talaga na sya ang ama ng mga anak ko! "Really?" Walang ganang tanong ko, syempre kailangan kong magpanggap na hindi ako nagulat at walang pake kahit ang totoo naman ay wala talaga akong pake "That's a damn freaking crazy coincidence!" Said Red "I think you should watch your mouth when you're talking in front of my kid. In every kids to be exact" taas kilay kong saad ko "Sorry mommy, I didn't know that it has peanuts" said Marina at cling onto me "It's okay, sweetie, it's not like you know it though" nakangiting sambit ko naman sa kanya. Bilang isang ina masakit para sa akin ang sitwasyon ng anak ko dahil bukod sa may delikadong sakit na sya ay may allergy pa, at dahil doon ay limitado o pili lang ang mga pagkain na pwede nyang kainin. Unlike to Nile who's strong and healthy kid. "You done already?" Tanong ko kay Marina "Yes, thank you for the food!" She said happily "Wow! That's good!" I said as I gave her a head pat "Anyway, bakit kayong dalawa lang pala ang nandito? Where's her father?" Biglang tanong naman ni Red "Why do you wanna know?" Taas kilay ko namang tanong sa kanya "Anyway, since my daughter is done with her food now, I think it's about time for us to leave. Salamat sa pagkain at heto ang ambag ko" dagdag ko pa at inilapag sa mesa ang pera Hindi ko na sila hinintay pang magsalita bagkus ay binuhat ko na si Marina at dali daling lumabas sa restaurant at nagtungo sa parking lot "We're going home now, sweetie" saad ko kay Marina "You don't look okay, mommy, are you alright?" Tanong nya naman sakin "Yes, sweetie, mommy is alright" nakangiting sagot ko naman sa kanya kasabay ang pag-andar ng makina ng sasakayan "Are you sure? You look uncomfortable with them, are they really your friend?" Tanong pa nya sakin. Ngayon ay masasabi ko talagang sensitibo ang mga bata at alam nila kung kailan maayos o hindi ang lagay ng isang tao. I think Marina seems to have noticed that I wasn't comfortable with the three of us before. After all, I'm not uncomfortable, but I'm nervous with fear because we met again with River, who is the father of my children. RING! RING! RING! "Sanjo?" Saad ko nang makita ko ang pangalan nya sa screen ng phone ko kaya agad ko na rin itong sinagot "Don't tell me na nawawala ang anak ko kaya ka napatawag sakin" "That's crazy" "So anong dahilan at bakit ka napatawag?" "I have a good news, nasa bahay na ba kayo ni Marina?" "Pauwi palang kami ngayon. Anong good news?" "Sa bahay ko na sasabihin ate" "What's the point of calling me now if you're telling us to get home first before telling us the good news?" "Basta ate" "Okay fine!" "Bye! Ingat kayo!"  Nang maibaba ko ang tawag ay agad kong pinaandar ang sasakyan at dumiretso sa bahay dahil gaya nga ng sinabi sa akin ni Sanjo ay may gusto syang sabihin saming lahat. Curiosity got me bad. "Marina?" Tawag ko sa aking anak na abala sa paglalaro ng teddy bear nya "What is it mommy?" She asked "Mommy wants to have a favor for you, is that okay?" Tanong ko pa "Anything, mommy" kahit nasa daan ang tingin ko dahil nagmamaneho ako ay kitang kita ko pa rin ang pag-ngiti sa akin ng anak ko "Okay. Thank you, sweetie" sabi ko naman "Mommy just wants you to keep secret who we met earlier. Is that okay?" Dagdag ko pa "Why?" She asked "Because your uncles don't like Mommy's friend and you don't want them to get mad at us, right?" Pagsisinungalin ko sa kanya Sigurado akong ike-kwento ni Marina sa mga tito nya lahat ng nangyari kanina at paniguradong magtatanong sakin ang tatlong 'yon tungkol sa mga kaibigan ko kuno dahil alam nilang sila October at Hunter lang naman ang tanging kaibigan ko "Okay" mabilis naman nyang pagsang-ayon sakin, mabuti na lang talaga at medyo uto-uto si Marina. Thank god that I didn't bring Nile or else I'll be f****d up. ONE HOUR LATER "We're home!" Saad ko matapos kong maibaba sa sasakyan si Marina "Oh, andito na pala kayo, ate" Said a familiar voice from my back "Tito daddy!" "How's your check up, Marina?" Tanong ni Sanjo sa kanya "The doctor said I'm a good girl" masayang sagot sa kanya ni Marina "Saan ka galing? Asan sila Nile?" Tanong ko "Nasa loob na, lumabas lang ako para bumili ng gauze cloth" mabilis naman nyang sagot sakin "Sinong nasugatan?" Kunot noong tanong ko naman "Si Zaikie, ang tanga kasi hindi hinawakan ng maayos yung kaserola kaya nabuhusan ng tubig sa hita" paliwanag naman ni Sanjo "Kung paso lang pala eh dapat di nyo na muna lagyan ng gauze para makahinga yung sugat at baka dumikit lang sa balat nya 'yan" saad ko "Para sa kamay naman nya 'to eh" sagot nya sakin "Huh?" "Nasugatan nya rin kasi yung kaliwang kamay nya" dagdag pa nya "Pumasok na nga tayo para makitan ko" saad ko naman at naglakad na ako papasok sa loob ng bahay "Anong nangyari sayo?" Tanong ko kay Zaikie nang makita ko intong naka-upo sa sofa habang nililinis ni Danwil ang sugat nya "Naka-uwi na pala kayo ate" anya Danwil "Oo, kakarating lang namin" tugon ko sa kanya "Where's Nile?" Tanong ni Marina sa mga tito nya "He's in the bathroom" sagot sa kanya ni Zaikie "Ano bang nangyari sayo at pinairal mo na naman ang katangahan mo, Zaikie?" Nakapamewang na tanong ko naman "Nabuhusan lang ako ng mainit na tubig, ate Keilee" sagot nya "Nasabi na nga sakin 'yan ni Sanjo, pero ang gusto kong malaman eh bakit ka nabuhusan ng mainit na tubig, ano bang ginagawa mo?" "Gusto daw kasi ni Nile ng carbonara kaya nagluto kami kaso lang biglang nawalan ng Gas eh naalala kong may electric stove pala tayo dito kaya naisip kong ilipat na lang doon tapos nung binuhat ko na yung kaserola ay natapilok ako kaya nabuhusan ako tubig" pagpapaliwanag ni Zaikie sa nangyari "Eh ano namang nangyari sa kamay mo?" Tanong ko pa "Nahiwa ng kutsilyo nung humanap ako ng makakapitan kanina, hindi ko naman nakita na lalagyan pala ng mga kusiltyo yung kahoy kaya ito ang nangyari" mabilis nya namang sagot "What the heck? Gaano ka ba ka-clumsy?" Sarkastikong tanong ko habang nakangiwi "Sa dinami raming pwedeng masugatan eh yang kaliwang kamay mo pa, nako ka talaga Zaikie" napakamot na laman ako ng batok ko dahil sa nangyari, kaliweteng tao pa naman si Zaikie at halos lahat ng ginagawa nyang trabaho ay kaliwang kamay ang ginagamit nya dahil ito ang dominant hand nya "Are you okay, uncle?" Tanong ni Marina sa kanya na kasabay naman ng pagdating ni Nile "Yes, uncle Zai is okay" nakangiting sagot nya dito at mabilis namang humarap si Marina sa kambal nya "You! You know naman na uncle Zai can't cook but you still insist to eat pasta, pwede mo naman kaming hintayin ni mommy di ba, look what happened to uncle Zai!" Sermon nya kay Nile "I already said I'm sorry to him, actually it's your fault why uncle Zai is injured" said Nile in a cold tone "What did you say?" Marina asked in confusion "Your doll was on the floor and Uncle Zai accidentally stepped on it. That's why he lost his balance." Nile answered her "Eh?" Tanging saad ni Marina "It's okay Marina, uncle Zai is just dumb to the point that he didn't even see that there was something on the floor" pagpapagaan naman ni Danwil sa loob ni Marina "Nile, say sorry to your sister. She did not do that on purpose." Sabi ko naman "S-sorry" utal na saad ni Nile at hinimas ang ulo ni Marina "Yes, you should" said Marina "Anyway, ano pala ang gusto mong sabihin samin, Sanjo?" Pagiiba ko ng usapan "Oh, right! I almost forgot that part" he said "So, the thing is Damara is now my girlfriend..." He stopped "Woah! Congratulations dude!" Aniya Danwil "Buti sinagot ka nya" asar naman ni Zaikie "Congratulations, wala na sayo ang titulong NGSB!" Asar ko pa "Yah!" Irita nyang singhal saming dalawa ni Zaikie "Eh ayan lang naman pala ang sasabihin mo, bakit parang ang seryoso ng mukha mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya "Well, ganito kasi 'yan. Since Damara and I became lovers, she wanted to introduce me to her family. Then we came up with the idea of setting a dinner because I'm also going to introduce her to my dad and mom, but my parents are currently celebrating their anniversary abroad, so I was thinking if you guys could attend the dinner with me." Sanjo explained "Bakit kami?" Kunot noong tanong naming tatlo sa kanya "Because you guys are also my family though!" He said "Kailan ba ang dinner?" Tanong ni Zaikie "Tomorrow at 7 pm" mabilis na sagot ni Sanjo "Kung bukas ng gabi eh hindi pwede si Nile dahil isasama sya nila Mr. Mckerney at Mr. Hernandez sa grandson ang grandfather event sa kumpanya ng kaibigan nila" paliwanag ko naman "Eh? Bakit hindi namin 'yan alam?" Sabay na tanong nila Zaikie at Danwil "Aba malay ko, at hindi ko rin maintindihan sa mga tatay nyo na lagi na lang gustong makasama si Nile, bakit hindi nyo na lang kaya bigyan ng mga apo ang mga tatay nyo para sa ganun eh makasama ko naman yung anak ko!" Pagtataray ko sa kanila Hindi ko na nakakasama ng maayos si Nile dahil sa lagi na lang syang sinasama sa kung saan saan ng mga tatay ng tatlong kumag na ito, gusto ko rin namang makasama ang anak ko kung saan saan! "Edi ikaw at si Marina na lang" aniya Sanjo "As usual" I rolled my eyes on him "Bakit kasi saktong bukas din ang lakad nyo, Nile?" Tanong ko sa kanya "I don't know, mommy, grandpa told me that I will learn something there if I come with them" sagot nya naman sakin "Ayos lang ba na hindi ka namin makakasama bukas?" Tanong ko pa "Opo, araw araw ko naman kayong nakakasama dito sa bahay kaya ayos lang" he said Minsan na papaisip na lang talaga ako kung bata ba ang kausap ko o bata lang ang itsura, Nile is so mature for his age that it reminds me of a certain someone. "So, ate, ano sa tingin mo?" Tanong sakin ni Sanjo "Fine, I'll go with you" syempre wala naman akong ibang magagawa dahil wala ang parents nya dito at ako lang ang mapapakiusapan nya "What me and Zaikie? Hindi mo ba kami isasama?" Tanong ni Danwil sa kanya "Why would I?" Taas kilay na tanong ni Sanjo dito "We also want to meet her!" Said Zaikie "Kilala ko kayong dalawa kaya hindi ko hahayaan na sirain nyo ang gabi ko" aniya Sanjo "Ang damot mo naman, akala mo naman magtatagal kayong dalawa!" Pangiinis naman sa kanya ni Danwil "Said the guy who was dumped by his girlfriend because she caught him kissing someone at the back of the club." "Oooh! Payag ka ginaganyan ka lang ni Sanjo" panggagatong naman ni Zaikie kay Danwil "Shut up virgin" said Danwil "All of you shut up! Hindi nyo ba naririnig lahat ng mga sinasabi nyo?! May dalawang bata dito oh!" Sigaw ko sa kanilang tatlo "S-sorry ate" saad ni Sanjo "Marina, Nile, doon na muna kayo sa mga kwarto nyo at maglaro dahil mag-aasikaso na ako para sa hapunan natin at kayong tatlo tapusin nyo na yang ginagawa nyo para matulungan nyo ako" utos ko sa kanilang lahat na agad naman nilang mga sinunod habang ako naman at nagtungo na sa kusina upang mag-asikaso ng kakainin namin sa hapunan "Wala na kaming stock?" Saad ko nang makita kong wala ng laman ang refrigerator namin kaya agad akong lumabas sa sala "Pupunta lang ako sa grocery para mamili dahil ubos na pala ang stock natin, hindi nyo man lang ako sinabihan" sabiko sa tatlo "Oh, nakalimutan kong sabihin sayo kanina" tugon sakin ni Danwil "May gusto ba kayong ipasabay para hindi na tayo pabalik balik?" Tanong ko "Beer lang sakin ate Keilee, malapit na finals namin kaya kailangan ko ng pampagana sa magre-review ko" said Zaikie "Sakin naman new pairs of gloves, sira na kasi yung gloves na ginagamit ko, sa third floor ng SM ate makikita yung store kung saan ka makakabili" sabi naman ni Danwil "Perfume lang ang akin ate, alam mo naman na kung anong brand ang ginagamit ko eh" sabi naman ni Sanjo "Ayon lang ba? Sure na kayo dyan ah" sabi ko naman "Yeah, we'll text you na lang kung may idadagdag pa kami" tugon sakin ni Danwil "Sige, aalis na ako" "Ingat!" Wala pa sigurong kalahating minuto ay nakarating na agad ako sa mall dahil medyo malapit lang naman ito sa bahay namin at agad akong natungo sa gear shop na tinutukoy ni Danwil "Ah, kuya can ask for you assistance?" Tanong ko sa isang empleyadong nag-aayos ng isang shelf "Yes, ano po ba ang hinahanap nyo, ma'am?" Tanong naman nya sakin "I'm looking for gloves" sagot ko sa kanya "Anong klaseng gloves po ba?" Tanong nya sakin. What the heck? Hindi nya ba alam kung anong klaseng gloves ang hinahanap ko eh nasa gear shop ako malamang iisang gloves lang ang hinahanap ko "May motor kasi yung kapatid kong lalaki, so hinahanapan ko sya ng gloves na pwedeng bumagay sa motor sa motor, gusto ko sana ka-match ng motor nya yung gloves para maganda tignan sa kanya" paliwanag ko "Anong klaseng motor po ba ang meron yung kapatid nyo?" Tanong nya sakin "Ducati Panigale V4 Black?" Sagot ko "Woah, bigatin naman pala, kung ganon po ang motor nya mas bagay po kung itim na gloves rin ang bibilhin nyo, ito po sa section na 'to maraming klase ng itim na gloves at iba ibang style pero mas recommended ko po itong ducati leather gloves pero may halong pula ma'am" sabi sakin ng lalaki Pati ba naman riding gloves ay may brand na rin? Hayaan mo na nga "Sige, ito na lang ang kukuhain ko, dalawang pair na" sabi ko at agad naman itong kinuha ng lalaki at dinala sa counter. Matapos kong magbayad ay agad na akong lumabas sa gear shop at nagtungo sa perfume shop na laging pinupuntahan ni Sanjo, halos kalapit lang ito ng gear shop kaya mas napadali ang trabaho ko "hhhmm, asaan kaya 'yon?" Usap ko sa aking sarili nang makapasok ako sa loob "Keilee?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses "Hunter!" Saad ko nang lingunin ko ang direksyong pinanggalingan ng boses na narinig ko "Fancy to meet you here, what are you doing?" He said and smiled at me "Oh, I'm looking for a certain perfume for Sanjo, he asked me to buy him one" I replied "Anyway, what are you doing here?" I added "I'm also looking for a perfume" he chuckled. What's funny, dude? "Do you mind if I join you?" Dagdag naman nya "Yeah, sure" sabi ko naman "Anong klaseng pabango ba ang hinahanap mo?" "It's called Creed Himalaya" I answered "That's expensive" he said "Hindi ko naman pera kaya ayos lang HAHAHAHA" biro ko "Sabagay" kibit balikat na saad ni Hunter "Oo nga pala, di ba nasa U.S ka? Kailan ka pa nakabalik at hindi mo man lang ako sinabihan?" Tanong ko sa kanya "Gusto ko sana kayong sorpresahin kaso nakita kita dito HAHAHAHA! My plan failed" "Nagtatampo sayo yung kambal dahil wala ka nung birthday nila kaya dapat magpakita ka sa kanila" sabi ko naman "Yes, I know, that's why I'm here" aniya Hunter na ikinakunot naman ng aking noo "What do you mean?" Tanong ko sa kanya "It's nothing, silly" tugon nya at pinikit ang noo ko sabay lakad papunta sa kabilang shelf Hunter and I have been friends for 4 years. We met in China after I broke up with River. Hunter was the first to know that I was pregnant, and he was also the person next to me before and after I gave birth. He actually looked like the father of my children because of all the sacrifices he made for us, my children, Hunter and I easily became relieved. Maybe it was because we both don't have parents anymore and there are events in our lives which are almost the same, so our ease with each other turned into a friendship that we were not aware of. Hunter is most caring and gentleman I know, kaya napaka-swerte ng babaeng mamahalin nya dahil halos napaka-perpekto na ni Hunter "It's here" "Huh?" "The one you were looking for. It's here." said hunter "Oh, thank you" saad ko naman at agad na kinuha sa kamay nya ang pabango at mabilis akong nagtungo sa counter upang bilin ito "Ayan lang ba ang bibilin mo?" Tanong naman sakin ni Hunter "Actually, kailangan ko pang pumunta sa grocery store kasi ubos na yung stock namin sa bahay" mabilis ko namang sagot sa kanya "Sama ako" nakangiting saad nya sakin "Aren't you supposed to be at work right now? Hindi pa tapos working hours mo ah" sabi ko naman "I'm the CEO, so it's okay" he said "Ayon na nga eh, ikaw yung CEO pero bakit andito ka sa mall at nagpapagala-gala, you're supposed to be in your office doing your job." Saway ko sa kanya Ganito ba lahat ng CEO? Imbis na trabaho ang unahin eh mas pinipili pa nilang gumala kung saan saan, hindi ba nila alam na dahil sa ginagawa nila ay nahihirapan ang mga empliyado nila? "I don't have a lot of work to do, so I'm here to assist you with anything." he said "Sigurado ka ba sinasabi mong 'yan? As far as I know ang CEO ang mas may maraming ginagawa kaysa mga empliyado nya, and look at you, fooling around. You're acting like him, mas pinipiling pumunta sa ibang tao kaysa gawin ang trabaho nya tapos kapag nakita ng paparazzi eh sasabihing tigilan na nila ang isa't isa!" Iritable kong saad ko sa kanya "What?" He said Ah! f**k! "W-wala, bahala ka sa buhay mo" sabi ko naman sa kanya at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi ko na sya pinansin pa. Bakit sa dinami raming taong pwedeng sumagi sa isip ko ay sya pa talaga, is it because we met again? "I'm serious, Keilee, wala talaga akong trabaho ngayon kaya andito ako" giit ni Hunter "As if naman na maniwala ako sayo, kilala kita Hunter, you like ditching your work so you can fool around" sabi ko namna sa kanya Ilang minuto pa ako sinundan sundanni Hunter hanggang sa wala na nga akong ibang nagawa kundi ang isama sya sa pamimili ko "So, you're using natural oil?" Tanong nya sakin "I need to be careful, alam mo naman ang lagay ni Marina eh" paliwanag ko naman sa kanya "Is her condition getting worse?" He asked "I don't know what to think anymore" sabi ko na lang "Why don't you just tell him the truth?" Napahinto naman ako dahil sa sinabing iyon ni Hunter I almost forgot the part that Hunter knows who's the father of my children. "Hunter, naririnig mo ba ang sarili mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya "Look, Keilee, you can't hide the truth for the rest of your life. I can't say that today or tomorrow, but I'm sure he will know the existence of the children because there is no secret that will not be revealed." Alam ko naman 'yon pero hindi pa rin ako papayag "What if hindi sila match? What if kapag nalaman nya yung totoo ay ilayo nya sakin ang mga anak ko? What if kung malaman nga nya yung totoo ay ayawan yung mga bata, edi masasaktan naman sila." Saad ko sa kanya "Kahit ako rin ay ayaw kong malaman nya yung totoo pero yung posibilidad na match sila ni Marina ay hindi natin masasabi" paliwanag ni Hunter "At hindi rin natin masasabi yung posibilidad na kapag nalaman nya yung totoo pero hindi sila match" seryosong tugon ko sa kanya "~~~~~~" "What?" "Wala, ang sabi ko mamili na lang tayo dahil anong oras na oh, nagugutom na ako eh" aniya Hunter "Hindi ka pa ba aalis?" Iritadong tanong ko naman sa kanya "Hindi, sa inyo ako kakain eh" nakangiting tugon nito sakin "Bakit hindi ka na lang kumain sa five star restaurant, mas masarap silang magluto doon" "Pero mas gusto ko yung luto mo" saad nya sabay nguso, minsan iniisip ko rin kung isang 29 years old ba ang kausap ko o isang 5 years old na batang nasa katawan ng matanda Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalitang muli "Okay... Fine" saad ko ng dahan dahan sa kanya "Yes! Nothing beats free food talaga!" Masayang sambit naman ni Hunter kaya muli akong napatingin sa kanya "Like, seriously?" I said as I frowned "What?" He asked and act as if he doesn't know why I said that "You're a famous multi-millionaire that can buy anything you want, but you're here bothering me because you want free food!" Singhal ko sa kanya "Is that wrong?" Tanong nya "Gosh! Forget it, bilisan na lang natin dahil baka hinahanap na ko nung kambal" sabi ko at nagpatuloy na lang ako sa pamimili ng mga kailangan namin sa pang-araw araw Nang matapos akong mamili ay umuwi na ako diretso kasama si Hunter dahil sa bahay nga daw sya kakain at gustong makita ang mga anak ko. Mabilis lang rin naman kaming nakauwi dahil halos malapit lang rin naman ang bahay namin sa mall "I'm home!" Saad ko nang makapasok ako sa bahay "Oh, you're here---- Kuya Hunter!" Aniya Danwil at mabilis na lumapit samin "Hey, it's nice to see you again, Danwil." Said Hunter, and patted Danwil on his shoulder. "Waaaa! Daddy!" Sigaw ni Marina nang makita si Hunter at agad itong tumakbo sa kanya "Marina!" "You're back!" Masayang sambit nin Marina at hinalikan naman sya sa pisngi ni Hunter "Daddy, you're back?" Biglang singit naman ni Nile na galing sa kusina at may hawak hawak na ice cream "Hey there my boy! How are you?" Pagbaling naman sa kanya ni Hunter I don't know where and when Nile and Marina started calling Hunter "Daddy," but I just let them call him that because Hunter also wants my children to call him "Daddy" even though they know that Hunter is not their real father. "Okay, you guys play over there and I'm going to make our dinner." Sabi ko at dumiretso na ako sa kusina kasama si Danwil para tulungan akong ayusin ang mga pinamili ko "Kailan pa nakauwi si kuya Hunter?" Tanong sakin ni Danwil "Hindi ko alam sa kanya, nagkasalubong lang kami sa mall kanina at sumama na sya sakin dito" paliwanag ko naman sa kanya "Must be fate" Danwil said "Fate what?" Kunot noong tanong ko naman sa kanya "It's nothing. Saan ko pala ilalagay 'tong mga ito?" Pagiiba nya ng usapan "Sa drawer syempre then yung mga meat make sure huhugasan mo muna bago mo ilagay sa freezer ah, yari ka sakin kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko" sabi ko naman sa kanya "I know, I know" he said as he nodded at me "Ano palang lulutuin mo ngayon?" Tanong nya "Burger steak since andito si Hunter" mabilis kong sagot "Oo nga pala, ate Keilee, malapit na graduation ko" aniya Danwil "Dang it! Fourth year college ka na nga pala! Oh my gosh! Congratulations!" Masayang saad ko sa kanya "Thank you, ate Kei" he smiled at me "So, kailan ang graduation mo?" Tanong ko naman "Next month pa naman" mabilis nyang sagot "Will your graduation schedule overlap with Sanjo and Zaikie's graduations?" I asked "Maybe not because we have different courses, so for sure there are weeks or months between our graduations." He said as he shook his head "Then that's good, gusto ko kasing makapunta sa graduation" sabi ko "For real?!" Tanong sakin ni Danwil na pra bang hindi pa makapaniwala sa sinabi ko "Of course, then after that papalayasin ko na kayo dito" biro ko "Ate naman eh!" Ang pabebe naman nitong lalaking 'to "Anyway, tama na ang usapan at ayusin na natin 'tong lahat para makapaghapunan na tayo at mapalayas ko na si Hunter sa pamamahay ko. Ang daming trabaho ng lalaking 'yan tapos gala ng gala" saad ko ONE HOUR AND 30 MINUTES LATER "The dinner is ready!" Sigaw ko upang marinig nila ako mula sa sala "Wow! Steak!" Aniya Hunter nang makapasok ito sa kusina habang karga karga ang kambal "Ibaba mo na yang dalawa at alalayan mo si Zaikie papunta dito" utos ko naman sa kanya "I already it na" biglang pagsingit naman ni Sanjo na akay-akay ni Zaikie "Oh, mabuti naman, tara na kumain na tayo" sabi ko "Anyway, Keilee, payag ka na ba sa proposal ko?" Biglang tanong naman sakin ni Hunter "Gusto ko yung idea pero baka mahirapan tayo" sabi ko naman matapos kong isubo ang pagkain ko "Anong proposal?" Sabay sabay na tanong nung tatlo samin "Ah" "Hindi mo pa ba sinasabi sa kanila, Keilee?" Tanong naman sakin ni Hunter "Oo, lagi ko kasing nakakalimutan dahil ang dami kong ginagawa" sagot ko "Ang alin ate?" Tanong pa ni Zaikie "Well, Hunter proposed me a business partnership" maiksing sagot ko sa kanya "Business partnership?" Kunot noong tanong naman ni Danwil "Do you guys remember when I said that I wanted to build a museum as a business since I can't leave Nile and Marina and go to any country to dig history?" I said "Yeah" the three of them said "I also told Hunter about that, and he said he wanted us to be business partners, but I told him I would think about it first because it's really difficult to build the museum I want because what I want are legit and historical artifacts to be put in my ideal museum." I explained "I agree, that was indeed difficult" pagsang-ayon naman sakin ni Sanjo "You are building what, mommy?" Tanong naman sakin ni Nile "Museum, sweetie" mabilis na sagot ko naman sa kanya "The one with paitings everywhere?" Tanong pa nya "Yup, but you know, sweetie. There's a lot of type of museum, hindi lang po painting ang inilalagay sa museum" paliwanag ko naman sa kanya "Ohh, okay" saad ni Nile at nagpatuloy na lamang sa pagkain "Bakit mo nasabing mahirap ate?" Tanong ni Zaikie "Di ka ba nakikinig sa mga sinabi ko?" Kunot noong tanong ko naman sa kanya "Kinda?" Hindi nya siguradong sagot "Then, just eat your food and rest para mas mabilis gumaling yang sugat mo dahil mukhang naapektuhan ata pati utak mo" sarkastikong saad ko naman sa kanya Hindi talaga mawawala sa isang barkadahan ang mga katulad ni Zaikie! "Hindi naman natin mamadaliin, so you can take your time" aniya Hunter "Wala pa kasi kaming contact ni October kaya hindi ko alam kuung kanino ako hihingi ng tulong dahil si Mr. Gonzales ay nasa India naman ngayon kaya wala rin akong contact sa kanya" paliwanag ko pa "Mommy, I'm done!" Saad ni Marina at mabilis na bumaba sa upuan nya "Me too, I'm done" said Nile and followed his sister "Huwag muna kayong matutulog ah!" Saad ko "Kung hirap kang makahanap ng mga artifacts ate, I can ask Damara if she can ask her brother to help us, balita ko kasi malaki daw ang connection ng kuya nya at mga kaibigan nito" sabi ni Sanjo "That's too much to ask for a stranger" pagtanggi ko naman "Magkikita naman kayo bukas, so I guess it's a good topic though" he insisted "Sinong kikitain nyo bukas?" Tanong ni Hunter "His girlfriend's family" maiksing sagot ko sa kanya "Oh, really?!" Singhal ni Hunter na para bang gulat na gulat pa sa narinig nya "Parang hindi totoo di ba, kuya Hunter?" Gatong naman ni Danwil "Dude! Ang bitter mo talaga!" Aniya Zaikie "I'm just saying the truth though" "Bakit? Gwapo naman si Sanjo ah" saad ni Hunter "Yes! HAHAHAHAHA Kaya sayo boto ko kuya Hunter eh!" Tuwang tuwa naman 'tong si Sanjo eh halata namang inuuto lang din sya ni Hunter Hhhyyss, makakain na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD