"Inuutusan ko kayong mga magigiting na manlalakbay na imbestigahan ang pangyayaring ito. Kung maaari ay libutin niyo ang buong mundo hanggang sa kasulok-sulukang bahagi nito at hanapin ang pinagmulan ng misteryosong huni ng ibon. Masyadong nakakaalarma ang bagay na ito para ipasawalang-bahala na lamang." sambit ng hari habang makikita ang determinasyon sa mukha nito. Maging siya ay naaalarma sa kakaibang panguauarong ito. Naniniwala siyang tama ang orakulo, balang araw ay lilitaw ito at maglilikha ng pagbabago ngunit mabuting pagbabago ba ito o masama?! Kung masama man ay dapat na itong puksain ngayon pa lamang. "Masusunod po mahal na hari!" sabay-sabay na wika ng dalawampong adventurer. "Makakaalis na kayo!" sambit ng hari na siya namang biglang pagyuko ng mga ito at nawala na parang bu

