Sa kaniyang obserbasyon ay nasa 8th Level Huang Rank ito. Kung alam nilang maaari itong icultivate at palakasin ay sana ay naging malakas na sandata na nila ito halimbawa na lamang nito ay ang paghahanap ng angkop na martial spirit at sanayin ang sarili sa paggamit nito. Kaso nga lang ay alam niyang walang anumang record ang Western Region sa nasabing bagay na ito na alam niyang may kinalaman ang mga Hybrid sa pagkabura nito. Naputol lamang ang pag-oobserba at pag-iisip ni Van Grego ng magsalita si Sect Master Soaring Light. "Maaari mong gamitin iyon bata, ngunit bakit ngayon mo lamang naisipang gisingin ang iyong Martial Soul?! Isa pa ay wala rin namang kwenta ang bagay na ito. Kapag tumapak ka sa edad na labing-anim ay mahihirapan ka ng magising ito, maglalabing anim ka na ba?!" Gulan

