Kasalukuyang nakaupo sina Sect Master Soaring Light, Biyu at Van Grego sa loob ng malawak na silid. Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Sect Master Soaring Light. "Van, ano ang dahilan ng iyong pagbabalik? Anong nangyari sa iyo sa mahigit tatlong taon mong pagkawala?!" sambit ni Sect Master sa nag aalalang boses. "Mahabang istorya Sect Master, masyadong komplikado ang naging lagay ko ngunit nakaya ko namang lampasan ang mga pagsubok na aking nasagupa sa aking paglalakbay." matapat na sambit ni Van Grego. "Pero bakit wala kaming nsging balita sa iyo? Wala ka bang nabalitaan sa nangyari sa tatlumput-anim na mga Sect noong dalawang taon?!" seryoso ngunit malungkot na sambit ni Sect Master. Tahimik lamang na nakikinig si Biyu sa naging usapan ng dalawa. Mayroon ding komplikadong ekspresy

