Isang normal na gabi lamang para sa lahat ng nilalang ang kasalukuyang araw at oras lalo na para sa mga Hybrid Race ngunit hindi nila alam na ang gabing ito ay mayroong kahindik-hindik na panganib ang naghihintay sa kanila. Sa isang silid kung nagkakaroon ng pulong ang mga Hybrid Sect Master patungkol sa mga bagay-bagay lalo na ang nangyari noong nakaraang dalawang taon mula ng pagpaslang sa isang Sect Master at ang pagkaubos ng mga disipulo nito maging ang napinsalang limang Sect na dahil sa sobrang pagkawasak ay napilitan ang mga ito na iwan ang sarili nilang mga Sect upang sumali sa labintatlong natitirang Human Sect. Nandito ngayon sa isang malaking bulwagan ang labing-walong Sect Master Hybrid Race. At kasaluluyan silang nasa mainit na diskusyon. Ang imbes na malamig na gabing ito

