Nagising na lamang si Van Grego na nasa kaniyang silid. Gabi na nga ito ngayon dahil siguro sa nangyari kani-kanina lamang. Medyo masakit ang kaniyang ulo ngunit naalala niya pa rin ang lahat ng nangyari at pangyayari sa kaniyang panaginip o kung panaginip lamang ba talaga iyon. Alam niyang hindi iyon panaginip kundi isa iyong alaala, alaala ni Master Vulcarian. Hindi niya alam kung ano ang nais nitong ipakahulugan pero naniniwala siyang malalaman niya rin ang totoo kapag nakapaglakbay na siya sa ibang mundo. Aalamin niya ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito. Hindi niya hahayaang makulong laamng ang sarili niya sa mundong ito at mapuno lamang ng bagabag ang kaniyang isipan. Napagdesisyunan ni Van Grego na magcultivate muna dahil ramdam niya ang pagod sa kaniyang katawan dulo

