Pagkatapos na malaman ni Van Grego na hindi na kayang magpataas ng lebel ang kaniyang Martial ay pinili niya munang magcultivate muna upang gawing stable ang kaniyang sariling pundasyon sa katawan maging ang kaniyang Martial Soul. Marami nga siyang natuklasang mga bagay lalo na sa kahalagahan ng Martial Soul. Masasabing kapag mas mataas ang lebel at ranggo ng Martial Soul mo ay siya ring pagtaas rin ng Martial Talent ng isang cultivator. Pinagsisisihan niyang sana noon pa man ay ginising niya na ang kaniyang Martial Soul edi sana ay noon pa siya nakatikim ng benepisyo ng kaniyang Martial Soul ngunit kahit pilit niya mang pagsisihan ito ay huli na para rito sapag ang kasalukuyan at hinaharap ang importante. Ilang oras din siyang nagcultivate at masasabi niyang stable na ang lahat ng ene

