Bago pa nilisan ni Van Grego ang Soaring Light Sect ay naging laman rin siya ng usap-usapan ng mga disipulo sa iba't ibang mga fields ng nasabing Sect. Kakaiba kasi ang kaniyang anyo kaysa sa iba at nalaman kasi ng mga ito na galing ito sa pinakamataas na lugar ng nasabing sect na kung saan lugar ito mismo ni Sect Master Soaring Light. Nawala na rin sa isipan ng mga ito ang lalaking gusgusin na sinasabi nila at ang lalaking may tiantaglay na noble aura ay iisang tao lamang. Kasalukuyang naglalakbay ngayon si Van Grego sa paanan ng malawak na lugar ng Black Twin Mountains. Kaunting mga Martial Beasts lamang ang gumagala rito at puro karaniwan lamang o pawang mahihina lamang ang mga ito. Hindi naman agresibo ang mga ito kaya nilalampasan na lamang ito ni Van Grego. Ang nakakatakot kasi na

