Ang mga ito ay kinikuwento nina Breiya at Fatty Bim kay Van Grego. Nagmistulang narrator at pantas ang magkapatid. Masasabi ni Van Grego na hindi nagsisinungaling ang mga ito. May kakaibang enerhiya ang lupa na maski siya ay hindi matukoy ito dahil ang nararamdaman niya lang ito at hindi niya mapag-aralan. Nagtataka siya kung ano ang mga ito. "Kahanga-hanga, ang magkaroon ng dalawang pormasyon ng bundok na ito na gawa sa itim na mga lupang ito ay masasabing suwerte ito para sa mababang mundong ito." Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego gamit ang mindlink. "Paano niyo po nasabi Master?! Sinasabi mo bang totoo ang mga haka-haka at alamat na sinasabi ng ilan rito?!" Sambit ni Van Grego na may pagtataka. "Tama sila na delikado nga ang bawat sulok ng tinatawag na Twin Black Mountain ngun

