Tanghali na at isa rin itong indikasyon na magsisimula na ang kompetisyon. Maraming mga manonood ang nakaupo. Ang mga ito ay mga true disciple na ng Soaring Light Sect. Sila ni Van Grego, Fatty Bim at Breiya ay pumunta sa mga upuan ng mga participants para lumaban sa Elimination Round na gagawin ngayon. Mayroon silang mga numerong natanggap nang magpa-register sila. Kay Fatty Bim ay 876, kay Van Grego ay 877 at kay Breiya naman ay 878. Ang kanilang makakalaban ay by Random numbers na matatapat sa kanilang numero. Istrikto din ang magiging rules ng laban, una na rito ay bawal mandaya at gumamit ng mga Devil Skills/Technique lalo pa't isang Righteous Human Sect ang Soaring Light Sect. Walang nakakaalam kong ano at paano sila magrerecruit ng disipulo. Mayroong dalawang libong participants

