Mula sa isang malawak na kuwarto ay mayroong malaking screen na nagpapakita ng mga kaganapan mula sa elimination round ng Martial Junior Tournament. Mayroong nakaupong labing-isang (11) mga tao. Ang mga ito ay hindi pangkaraniwang mga tao lamang na Martial Artists lalo na sa awrang kanilang inilalabas ng mga katawan nila lalo na sa kung paano ang mga ito umupo. Nalalabas sila ng kakaibang enerhiya na sobrang lakas pa kumpara kay Vice Commander Elgor. Ang mga taong ito ay hindi maaaring kalabanin. "Nagustuhan ko ang ipinakita ng batang babaeng may numerong 878, sa palagay ko ay level 2 na siya at mayroong taglay na Mortal Ice Body. Hindi ko alam kung paano niya napag-aralan ang Concept of Ice. Bagay na bagay siya sa aking Spirit Ice Sect." Sambit ng isang sopistikadang babae. Hindi ito nag

