"I-ikaw n-nga si Princess Ambreiya! Wag mo kong atakehin, hindi ako isang kalaban. Ako ang kapatid ng iyong ina, si Princess Levora Fortilon- Adveriara!" Sambit ng babae at mabilis na nagbago ang kanyang anyo. Katulad ni Breiya ay nagbago rin ang buhok nito na kulay puti na kasingputi ng niyebe at ang mata nito ay naging kulay puti rin na may halong kulay bughaw. Sobrang lakas rin ng awrang nakatago sa katawan nito. "Tita Lora? Ikaw ba talaga iyan?! Akala ko ay pinaslang ka na nila? Paanong nakaligtas ka?" Sambit ni Breiya habang naguguluhan. Napalitan ng saya at pagkagulat sa kaniyang nalaman. Hindi niya aakalaing buhay pa ang kaniyang tita Lora/ Levora. Unti-unting nawala ang kaniyang totoong anyo at bumalik sa normal ang kaniyang anyo bilang isang simpleng dalaga. "Hindi na mahalaga i

