HINDI na mabilang ni Basty kung ilang beses na niyang kinukusot ang mata. Hindi naman siya napuwing at hindi rin makati ang mata niya. Sadya lang masakit sa mata ang nakikita niyang tagpo sa 'di kalayuan. Kasalukuyan niya kasing pinapanood si Yuri at ang isang foreigner na hilaw na bisita nito ngayon sa coffee shop. Kitang-kita sa mukha ng mga ito na nag-eenjoy ito sa company ng isa't isa. Habang nagku-kuwentuhan kasi ay nakangiti pa ang dalaga habang napakalapit ng distansya sa hilaw na 'yon. Wala na ang babaeng kasama ng una at ito na lang at ang foreigner na 'yon ang magkasama. Sumasakit ang mata niya sa sweetness na ipinapakita ng huli sa dalaga at hindi niya alam kung saan nanggagaling 'yon. "Babe, what are you looking at?" tanong ni Aby na humarang sa tinitingnan niya. Akmang tatal

