MAAGANG umuwi si Basty sa condo unit nila ni Aby. Pagpasok ay agad siyang dumiretso sa kusina para ilapag ang mga bitbit na grocery bags. Plano niyang ipagluto ang nobya ng hapunan at plano niyang mag-apologize dito. Gusto niyang bumawi sa shortcomings niya at kasabay no'n ay tulungan na ito para sa pagpe-prepara ng kasal dahil anim na linggo na lang ay ikakasal na sila. Inihanda ni Basty ang steak na iluluto niya at nagsalang na ng pan. Habang hinihintay na uminit ay inayos naman niya ang mesa. Nilatagan niya 'yon ng kulay pulang tela at naglagay ng vase saka inilagay ang mga sariwang bulaklak na binili. Binalingan niya ang naiwan na pan at saktong may usok na lumalabas ibig sabihin ay mainit na 'yon. Sinimulan na niyang iluto ang steak habang may kakaibang ngiti sa labi. Napagtanto niya

