Chapter 20.

1037 Words

NAPAPAILING na lang si Yuri habang naglilista sa planner niya. May siraulo kasing kanina pa pilit na nagpapapansin sa kanya at pilit niyang iniignora. Nakaupo ito sa high barstool habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng counter at nakatitig sa kanya. Samantalang siya ay nasa mesa sa sulok na bahagi ng shop at pilit itinutuon ang atensyon sa ginagawa. Naiilang na siya sa ibinibigay nitong atensyon sa kanya pero pinipilit niyang balewalain 'yon. Naisip niyang baka wala roon ang nobya nito ngayon at naiinip ito kaya siya ang kinukulit. Napukaw ang atensyon niya sa paglapit ng baristang si Leo. "Ma'am Ri, pinapabigay ni Sir Basty," anito at inilapag ang isang tissue sa harapan niya. Napasulyap siya sa binata at nagtaas baba ito ng kilay habang nakangiti. Napakunot naman ang noo niya at dinampot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD