PANANDALIANG nawala ang isip ni Yuri sa nangyaring opening ng Basty's dahil niyaya siya ni Kenny na lumabas. Noong una ay nagdalawang isip pa siya dahil ayaw niyang iwanan si Kai at Leo. Pero ang mga ito pa mismo ang nagtulak sa kanya para sumama sa binata.
Dinala siya ni Kenny sa isang lugar na hindi niya inaasahang maiisip nito—sa bookstore.
"Bakit dito mo 'ko dinala?" Hindi niya napigilang itanong pagbaba ng sasakyan. Hawak pa siya nito sa siko at inalalayan siya hanggang sa maisara nito ang pinto ng kotse.
"Well, you just told me that you are a fan of romance books. That's why I thought of bringing you here. I heard they offer free reading here," tugon nito.
Malawak siyang napangiti sa narinig. Mukhang nag-research pa ito tungkol sa shop na 'yon. Bukod do'n ay natandaan pa pala nito ang sinabi niyang hilig niya. She can't help but to feel overwhemed. Hindi siya sanay na may nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya. Gano'n yata talaga kapag NBSB o no boyfriend since birth.
Naglakad sila papasok sa loob ng shop at tumambad na agad sa kanila ang malaking signboard na may nakasulat na free reading. Bukod do'n ay may karatula pang nagsasabi na no food allowed.
Namamangha niyang inilibot ang tingin sa paligid habang naglalakad papasok sa loob. Pinadausdos niya pa ang mga daliri sa mga libro na naroon. Karamihan sa mga libro na naroon ay mga luma na o secondhand kung tawagin. Mayroon ding mga bago pero mukhang hindi kasama sa mga pwedeng basahin ng libre dahil may nakalagay 'yong presyo. Hindi kilala ang book store na 'yon at nasa tagong lugar pa nakapwesto. Kaya rin siguro walang pumupunta roon. Wala kasi silang naabutan do'n kundi ang babae na nasa cashier.
Nilingon niya ang binata at nakitang niyang nakasandal ito sa estante ng mga history books habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nakangiti siya nitong tinanguan na parang sinasabing tumingin lang siya. Malawak siyang ngumiti at tinanguan ito saka muling ibinalik ang tingin sa mga librong nasa harapan.
Sinimulan niyang isa-isahin ang mga romance novel at binasa ang blurb. Nalilibang siya sa pagbabasa at hindi na niya namalayan kung gaano katagal siyang namili ng mga babasahin. Pero blurb lang ang pinasadahan niya at nang matapos ay dinala na 'yon sa cashier. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at akmang iaabot sa babae pero naunahan na siya ni Kenny at naglapag ito ng buong five-hundred bill sa counter.
Maang siyang napatingin dito pero nasa cashier ang atensyon nito. "Keep the change, Miss. Thank you."at ito na ang nagbitbit ng paper bag na sisidlan ng mga libro.
"T-thank you po, Sir, Ma'am! Balik po kayo!" Tuwang-tuwa na sabi ng kahera.
"Hindi mo na dapat binayaran ang mga binili ko. Saka ako na ang magdadala niyan," sabi niya at snubukang kunin dito ang paper bag. Pero iniiwas lang nito 'yon sa kanya at nauna na itong lumabas ng shop.
"Kenny..." Tawag niya nang sundan ito. Mahahaba ang biyas nito kaya malalaki rin ang hakbang nito at kinailangan pa niyang tumakbo para lang maabutan ito.
Tumigil ito at pinagbuksan siya ng pintuan sa passenger side. Hindi siya sumakay at hinarap ito. "Tanggapin mo ang bayad ko, Ken. I'm the one who get that books so I should be the one paying for it," seryosong wika niya.
Mataman ang tinging ipinukol nito sa kanya at kita niya ang kulay brown nitong mata na lalong tumingkad ang kulay nang matamaan ng liwanag.
"Let me do these things for you. You don't need to pay me or what, Yuri." seryosong turan nito.
"Why?"
Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "What do you mean why?"
"Why are you doing this? Hindi ako sanay na may lalaking gumagawa nito para sa'kin, Ken. Ayokong mag-assume---"
"I like you, Yuri. You are not assuming things. I'm doing all these because I like you..." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Napipilan siya dahil sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa pag-amin nito. Ilang segundo 'yon na nakatulala lang siya rito bago niya naapuhap ang boses niya.
"I-i honestly don't know what to react." Pag-amin niya.
"You don't need to say anything. I know you are shocked. But I just want you to know that I'm willing to wait." Nahimigan nya ang sinseridad sa tinig nito.
Tipid siyang ngumiti at nakahinga siya ng maluwag sa mga narinig. "Thank you," bukal sa loob na wika niya. 'Yon lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon.
"No big deal," tugon nito.
Tumango siya at lumulan na sa sasakyan. Matapos isara ang pintuan ay umikot na ito sa driver side at lumulan. Ini-start nito 'yon kapagdaka ay binalingann siya.
"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong nito.
"Wala na. Pwede mo na akong ibalik sa shop. Baka kasi naaabala na kita," sabi niya kasabay ng marahang pag-iling.
"No. I'm free today. I made myself free today just for you, Ri." Hindi niya naiwasang pamulahan dahil sa sinabi nito at hindi siya nakapagsalita. Banyaga para sa kanya ang mga pakiramdam na lumulukob sa kanya ng mga oras na 'yon kaya hindi niya alam kung paano siya dapat mag-react.
Hindi siya sanay na may lalaking ganoon ang trato sa kanya. Nasanay siya na ang ama at ang nakatatandang kapatid lang ang nakakasama at nakakasalamuha niya. Well, bukod kay Leo dahil kengkoy ito kaya hindi siya naiilang. Isa pa, ay naninibago siya dahil pagkatapos ng pag-amin ni Kenny ay parang naging extra sweet at extra caring ito sa kanya.
"But if you really want I can take you back to the shop," sabi nito nang hindi siya agad magsalita.
"I-i'm sorry, Ken. N-naninibago lang talaga ako sa lahat ng 'to," hinging paumanhin niya at alanganin itong nginitian.
"Stop apologizing, Ri. It's fine, don't worry. Next time I will plan our next date so you won't get pressured." Masuyong sabi nito at nginitian siya pagkaraan ay pinaandar na ang sasakyan.
NANG maihatid siya sa coffee shop ay hindi na rin ito bumaba at nagpaalam na. May natanggap kasi itong tawag mula sa daddy nito. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng mga ito dahil tipid lang ang sagot ni Kenny. Hindi na rin niya nagawang magtanong dahil iginagalang niya ang privacy nito. Ayaw niyang masabihan na mausisa.
Pagpasok sa loob ng shop ay saktong narinig niya ang pagtunog ng phone na hawak niya. Nakatanggap siya ng text galing sa binata.
"I'm sorry, I had to leave early. I have an urgent matter to attend to. I will get back to you as soon as I finish it..."
Wala sa sariling napangiti siya matapos basahin ang mensahe. Sa klase ng mensaheng ipinadala nito para bang mag-nobyo na sila gayong katatapos lang nitong umamin.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan ha?!" Muntik na siyang mapapitlag sa biglaang pagsulpot ni Laraine sa harapan niya.
Pinilit niyang supilin ang ngiti sa labi at pasimpleng itinago sa likuran ang telepono niya saka ito naka-poker face na binalingan.
"Wala. Nag-text lang si Kuya Garret para sabihin na doon kami sa bahay mag-dinner mamaya dahil may ipapakilala na siyang girl. Sa wakas..." Pagsisinungaling niya. Kung may award lang 'yon ay baka best actress na siya dahil ginamit pa niya ang Kuya Garret niya sa pagsisinungaling. Half true naman ang sinabi niya, 'yon nga lang hindi ang Kuya niya ang nag-text kundi ang daddy niya. Totoo rin na doon siya magdi-dinner sa bahay nila dahil 'yon ang sabi ng ama sa mensahe.
"Are you sure?" Animo hindi pa rin naniniwala na tanong ni Laraine. Sinundan pa siya nito nang maglakad siya palapit sa counter at umupo sa high barstool. Nanghingi siya ng tubig kay Leo at agad naman itong tumalima saka niya hinarap ang pinsan.
"I'm telling you the truth. Sa bahay nga ako magdi-dinner mamaya. Kung gusto mo ay sumama ka para maniwala ka na totoo ang sinasab ko." Panghahamon niya rito.
Pinaningkitan siya nito ng mata animo inaarok kung talagang nagsasabi siya ng totoo. Sinigurado naman niyang hindi siya kukurap para hindi ito makahalata. Makalipas lang ang ilang segundo ay ito na ang nagkusang magbawi ng tingin. Sakto naman na dumating na ang isang baso ng tubig na hinihingi niya at ininom niya 'yon. Nakakatuyo rin ng lalamunan ang pagbabasa ng mga libro. Pati na rin ang pakikipag-usap sa binata habang nagmamaneho ito kanina.
Matapos uminom ay unti-unting naibaba ni Yuri ang baso dahil may bigla siyang naalala. "Naiwan ko 'yong libro!" Bulalas niya at napatayo pa.
"Anong libro? Saan mo naiwan?" Kunot ang noong tanong ni Raine.
"Naiwan niyo sa sasakyan ni Sir Kenny, Ma'am Yuri?" Sabat ni Leo.
Pinandilatan niya ito dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng lalaki sa harapan ng pinsan. Napa-peace sign ito at alanganing ngumiti pagkaraan ay tinalikuran sila.
"You haven't told me that you went out with Kenny. Bakit ha? Dahil ayaw mong usisain kita no?" Pananalakab nito at dinutdot pa ang tagiliran niya dahilan para mapaigtad siya sa kiliti.
"Paano ko sasabihin e, hindi ka naman nagtanong." Pilosopong sagot niya.
"Tse! Nakakainis ka! Sayang, sasabihin ko pa naman sana sa'yo kung ano ang nalaman ko tungkol sa Basty's Taste. Pero nevermind na lang. Tutal puro ka naman lihim sa'kin might as well sarilinin ko na lang din ang nalalaman ko," litanya nito at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib.
Para namang umangat ang puwet niya sa narinig. Pati ang tainga niya ay pumalakpak dahil doon.
"Anong nalaman mo? Sabihin mo sa'kin," saad niya. Pero inismiran lang siya nito at pagkaraan ay tinalikuran. "Tell me, Raine. Bago malaki ang magawa niyang nalaman mo para sa shop. Sabihin mo na kung anong nalaman mo?" Pagkumbinsi pa niya.
"Sa isang kondisyon sabihin mo sa'kin ang real score sa inyong dalawa ni Kenny?" Nakaismid pa rin na sambit nito.
Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga pagkatapos ay nagsalita— "Umamin na siya ng feelings niya para sa'kin," pagbibigay alam niya.
Halos mabingi siya nang biglang tumili si Laraine. Pagkatapos ay humarap ito at niyakap siya. "Waah... I'm so happy for you, Riri!" Bulalas nito at niyakap siya.
"Nanliligaw pa lang siya, Raine. Hindi ko pa siya sinasagot. 'Wag kang OA," pakli niya at humiwalay sa pagkakayakap nito. Ngiting-ngiti ito nang humiwalay sa ksnya.
"Doon na rin papunta 'yon no? Unless hindi mo gusto si Ken?" Anito.
"Nagsisimula pa lang siya sa panliligaw. If he's romantic and his intentions are genuine then I might like him or consider him to be my boyfriend. Who knows?" Kibit ang balikat na turan niya. "Anyway, don't change the topic. Tell me what did you know about my rival shop?" Pag-iiba niya sa paksa.
Bahagya itong lumapit at yumuko saka may ibinulong sa kanya...