(STELLA's POV) NAGHIHINTAY na lamang kami ng text mula kay Rosenda para ibigay ang address sa lugar kung saan kami dapat magtagpo. Pagkatapos saka pa lamang kikilos ang mga pulis. Nakatawag na rin sa kanilang head quarter si SPO4 Dave Hernandez. Humingi ng back up sa kanyang kasamahan. Go signal na lamang nila ang hinihintay. Hawak ko na ang attache case na may laman na four million pesos na hinihingi ni Rosenda. Ngunit hindi pa rin ako mapakali at matatahimik knowing na hawak pa rin ng masasamang tao ang anak namin. Napakabata pa niya para makaranas ng ganito. “Jared, tawagan mo kaya si Rosenda. Sabihin mo sa kanya na nakahanda na ng kanyang hinihinging ransom money,” mangiyak-ngiyak kong utos ni Jared. Inaatake na naman ako ng aking anxiety. Dahil hindi ako nakatulog at nakakain ng m

