(JARED'S POV) MAHIGPIT ang ginawa kong pagkakahawak sa manibela ng sasakyan. Habang ang isang kamay ko ay bitbit ang aking baril. Alerto at mataman kong pinagmamasdan ang mga magaganap sa buong paligid. Sobrang risky ang gagawin ng mahal ko. Kung pumayag lang sana si Rosenda na ako ang magdala ng pera. Pero hindi siya pumayag dahil alam niyang hindi niya ako basta-basta mapapatumba. Subukan lamang niyang saktan ang aking mag-ina. Ako mismo ang magdadala sa kanya sa impyerno! Kanina pa kumukulo ang aking dugo nang masilayan ko ang aking pekeng biyenan. Kung hindi lamang hawak nito ang aming anak kanina ko pa sila pinaulanan ng bala. Pero ayaw ko silang mapapahamak kaya kunting tiis na lang. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa aking pamilya. Kailangan niyang pagbayaran ang kany

