NAGISING ako sa sobrang ingay sa paligid. Nang iminulat ko ang aking mga mata nakikita kong kanina pa pala gising ang ibang pasahero. May naglalakad, nakikinig ng music at nagku-kwentuha. Hindi ko namalayan na muli pala akong nakaidlip kaninag madaling araw. Mabigat ang talukap ng aking mga mata dahil sa sobra kong pag-iyak ng ilang araw na rin. Maging ang aking katawan mabigat ang aking pakiramdam lalo na ’t matigas na naman ang aking s**o dahil sa daming gatas na stock. Kahit pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ang aking katawan. Bumangon pa rin ako at dahan-dahang bumaba sa ang cabin. Sinilip ko muna ang keypad cellphone na binigay sa akin ni Manang Prima kung may mensahe ba silang ipinadala sa akin ngunit bigla akong nalungkot nang wala akong nakitang mensahe kahit na isa man lang.

