Lumabas ako para kumuha ng tubig. Patay na ang ilaw sa daan papuntang kusina. Kung galing ka sa maid’s quarters mas una mong madadaanan ay ang isang mini lounge area tapos hallway and then kusina na.
Malaki ang bahay pero wala lagi ‘yong nakatira. Hindi mawala ‘yon sa isip ko dahil ilang pamilya na ang pwedeng tumira sa bahay na ‘to. Ang daming walang bahay no. Para sa’n pa ‘to ‘di ba?
Binuksan ko ang ilaw sa hallway para hindi ko na buksan ‘ang ilaw sa kusina. Abot din naman kasi ‘ang ilaw ng nasa hallway hanggang dito sa kusina.
Kumuha ako ng tubig at mabilis ‘yong ininom. Parang nanuyot ang lalamunan ko dahil sa haba ng tulog ko. Wala man lang gumising sa akin. Siguro hinayaan lang ako kasi hindi ko pa naman simula ngayon, bukas pa.
Binalik ko ‘yong pitcher sa loob ulit ng ref at nilagay ang baso ko sa lababo at hinugasan ito at muling ibinalik sa lalagyan.
Ano kayang gagawin ko bukas? Masungkit kaya ang boss ko?
“Bakit gising ka pa?”
Muntikan ko ng mabitawan ang hinuhugasan kong baso dahil sa gulat. Gosh! Baka magbayad pa ako nito ng wala sa oras. Unang sahod ko sa baso kaagad mapupunta.
Nilingon ko ang nagsalita at nakita na Madam Oslin lang pala, ang mayordoma dito. Nakahinga ako ng maluwag.
Siya dapat ang tanungin ko kung bakit gising pa siya eh sa edad niya dapat nagpapahinga na siya.
I smiled. “K-kakagising ko nga lang po e.” sabay kamo sa ulo.
Nagpunas ako ng kamay bago muling nagsalita. “Bakit gising pa po kayo?” kuryoso kong tanong.
“Kakaalis lang kasi ng boss natin.”
My eyes widened. “Talaga po?”
Mabilis akong tumakbo sa salas at sumilip sa bintana. Tama ang mayordoma sa bahay na ito, kakaalis nga lang ng boss namin. Sayang! Kung nauna lang sana ako ng gising.
“Freia.” Mariing niyang tawag sa’kin. Natauhan ako sa ginawa ko.
Dahan-dahan akong humarap sa mayordoma namin at nag-peace sign habang nakangiti. Mali ang ginawa ko.
“Bakit ka tumakbo?” lito niyang tanong.
“Ahhmm…” nagkamot ako sa ulo. “Gusto ko lang po ng makilala kung sino ‘yong boss.”
Tumango siya at nawala na din naman kaagad ang pagtataka niya. “Bakit ‘di niyo po ako ginising sayang hindi ko po siya nakilala.” Medyo panghihinayang ko.
Gusto ko lang naman makikila kung kanino ako nagtatrabaho. And it looks like our boss is workaholic.
Wahhh! Gusto ko siyang makilala. Simple akong sumilip sa bintana pero wala na namang bakas ng kahit ano.
Narinig kong malaka na tumikhim si Madam.
“Hindi kasi siya interesado.” medyo na hurt ako sa sinabi ni Manang.
Napahinto ako sa pagpapantasya ko at napaayos ng tayo. Grabe! Parang gusto ko lang naman makilala ‘yong tao.
“At nagmamadali din siya.” dugtong niya pa.
“Lagi po ba siyang gano’n?” usisa ko.
She nodded. “Hindi kasi niya pwedeng iwanan ang trabaho niya.”
Ngumiwi ako at nakaramdam ng awa para amo ko. Masyado siyang lunod sa trabaho. At wala ng oras para umiwi pa sa sarili niyang bahay. Pero at the same time, ramdam ko siya.
“Ano po bang trabaho niya?” taka kong tanong.
She shook her head and started to walk away. “Hindi pwedeng sabihin.”
“Bakit po?” tanong ko ulit.
“Matulog ka na lang ulit, Freia.” Sabi niya bago ako tuluyang mag-isa.
I just sighed and went back to my room again.
Huminga ako pero hindi naman na ako makatulog.
Ano naman kayang maaaring trabaho niya? Lawyer? Doctor? Police? Iyon lang ang mga naiisip kong trabaho na hindi pwedeng iwanan. Lagi dapat on-duty.
My phone vibrated as I received a text.
I smirked when I saw the notification where the message came from.
He missed me already. Parang wala pang isang araw kaming nagkakahiwalay nagparamdam na kaagad.
W:
Kumusta?
One word lang minsan. Ganyan lang kami minsan kapag nag-uusap. Mga tamad mag-type.
Ako:
Magsisimula pa lang bukas.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at I turned off my phone and let myself sleep again. Kailangan ko ng lakas lalo na kung makikilala ko na siya bukas o sa ibang araw. Basta habang nandito ako alam kong maglalandas kaming dalawa.
I couldn’t wait anymore.
“Gising na daw.”
Inalog-alog ng kung sino man ang katawan ko para gisingin ako. Pero imbes na gumising, tumalikod ako at pilit na natulog.
I groaned and went back to sleep again.
Anong oras na akong nakatulog kagabi,mga madaling-araw na ata ‘yon kaya ngayon bumabawi.
“Uy! Magagalit si Madam kapag hindi ka pa gumising.” Naiinis nitong sabi.
I groaned loudly this time and immediately wake up. Para akong hinihila ng kama pahiga ulit pero narinig ko ang pangalan ni Madam.
Oo nga pala ngayon ang start ng trabaho ko! s**t!
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. Alas singko pa lang ng umaga. Five thirty pa naman ang call time namin kaya may kalahating oras pa naman para mag-ayos. Dapat masanay na akong laging ganito gumising.
“Magbihis ka na bago pa tayo maabutan ni Madam.” Sabi niya sabay abot ng itim na uniporme namin.
It looks cute and nice.
Mabilis akong naligo at nagbihis. I looked at myself in the full length mirror. Okay naman ang damit sa akin pero masyadong hapit. Maliit lang naman ang katawan ko pero hindi ko alam kung tumaba ba ako kaagad kagabi. Hindi lang siguro ako sanay sa ganitong damit.
I stared at my roommate and her dress fit her body. Oh! I didn’t even ask for her name.
“Anong pangalan mo?” sabi ko habang nagsusuklay.
Napalingon siya sa akin at ngumiti. “Jessy. Ikaw?”
“Freia.” We exchanged smile. “Hindi ba masikip ang damit mo?”
She shook her head. “Hindi. Sakto lang.”
Sakto lang ang pangangatawan niya. Hindi hamak na mas maliit ang katawan ko kaysa sa kanya. Hindi lang talaga ako sanay. Akala ko ‘yong uniform naman eh pajama type o kaya naman dress na lalagpas hanggang tuhod.
Above the knees kasi ‘tong uniform tapos may apron pa. Cute talaga pero ah! Hindi ako sanay. Sino kaya nag-isip ng ganitong uniform? Iyong Boss kaya namin? Baka pervert siya!
Nanlaki ang mata ko at bahagyang umiking para alisin ang nasa isip ko.
“Masyado kasi ‘tong fit e.” gumilid-gilid pa ako para ipakita sa kanya ang kabuuan ko.
“Masasanay ka din.” Natatawa niyang sabi. “Pero infairness bagay sa’yo.”
It’s a compliment right? O bagay talaga akong maging katulong for life na. No way! Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ako. Panandalian lang ‘to makakaahon din ako.
I awkwardly smiled. “Sa’yo din.”
And the time has come, we went straight to mini lounge where all the maids need to be there first. Sabi ni Jessy, iche-check daw kung sino ang mga mala-late ng gising at masesermonan ni Madam.
Thanks to Jessy ginising niya ako. Ayokong masermonan sa unang araw ko sa trabaho. Kahit mukhang mabait si Madam, ayokong galitin siya dahil lang sa na-late ako ng gising. Baka wala kaagad akong trabaho. Tsaka hindi ko pa nga nakikilala ang boss namin.