Simula
Inayos ko na ang mga gamit ko at inisip kung may naiwan pa ba ako. Luminga-linga ako at nakita ko ang panyo na nilabhan ko kahapon na nakasampay sa labas.
Maiwan na ang lahat, ‘wag lang ‘yon. Mahalaga sa akin ang panyong ‘yon.
Bumalik din naman ako kaagad sa kwarto ko at nilabas na ang mga gamit ko dahil kailangan ko nang umalis.
“Handa ka na ba talaga?”
Inirapan ko Winston. Pang-ilang tanong na kasi niya ‘yon simula kagabi pa hanggang ngayong ba namang nasa taxi kami iyon pa rin ang paulit-ulit niyang tanong.
“Iyon lang ba ang alam mong sabihin?” pangbabara ko sa kanya.
Inismiran niya ako at tinaasan ng kilay. “Syempre, concern lang naman ako sa’yo.” Umiling akong natatawa sa kanya at tumingin sa labas. “Baka ‘di mo kaya.”
Mabilis ko siyang nilingon ng marinig ‘yon. “Aba! Wala ka bang bilib sa akin?! Sanay ‘to sa hirap.”
"Talaga ba?"
"Oo naman,"
Pinagkrus niya ang kamay niya at hindi sumagot. Tila ba walang narinig.
Hindi ako makapaniwala na nilakihan siya ng mata. Aba! Hindi nga talaga naniniwala sa akin.
“Hoy!” inis niya akong nilingon. ‘Kala mo ha! Ayaw niya na tinatawag ko siyang gano’n. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. “Baka nakakalimutan mo kung sino ako?!” I pouted my lips. “Matatag ‘to at matapang ‘no kaya ko lahat.”
I pouted more when he sighed heavily. “Hindi ko naman nakakalimutan kung sino ka. At hindi talaga kita makakalimutan.” Umiling siya. “Concern lang ako, pwede naman kitang tulungan eh nang hindi pumapasok sa ganito.
Mabilis akong umiling bilang pagkontra sa kanya. “Hindi pwede. Mas madali ito.” Mahina kong sabi.
He just nods his head and presses his lip on a tight line.
“Alam mo namang wala akong choice di’ba?” nilingon ko siya. “Kailan ko ‘tong gawin.” ang huling salitang iyon ay pagpapaalala ko sa sarili ko.
Bumuntong hininga lang siyang muli at mahinang ngumiti. “Naiintindihan ko naman pero-”
“Wala ng pero please.” baka kasi umatras pa ako at tuluyan niyang makumbinsi.
Kung kailan pilit kong mapapatatag ang sarili ko na kayanin ito kahit na abot langit ang kaba ko. Tutol talaga siya dito nung sinabi ko sa kanya at hindi niya ako pinansin. Ewan ko ba dito, wala naman akong ibang gagawin.
Huminto na ang sinasakyan naming taxi senyales na nandito na kami sa pupuntahan ko. Naunang siyang bumaba sa’kin bago ako at tinulungan niya ang driver na kunin ang gamit ko sa likod ng sasakyan. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magdesisyon bumaba.
"Mag-iingat ka,"
Ngumiti ako. "Oo naman,"
Niyakap niya akong mahigpit bago pumasok muli sa taxi para umalis. Sinundan ko ng tingin ang taxi na sinakyan niya papalayo. Nang tuluyan na itong makalayo, humarap ako sa isang malaking bahay.
Dito na magsisimula ang buhay ko. Napalunok ako at namangha sa malaking bahay na nasa harap ko ngayon. Hila-hila ang maleta ko at tuluyan na akong lumapit sa malaking gate. Pinindot ko ang gate bell at mabilis naman itong bumukas at niluwa nito ang isang guard.
“Magandang umaga ho.” magalang kong bati.
“Magandang umaga din sa iyo.” magiliw niya ding bati. “Ikaw ba ‘yong bago?”
“Opo.”
Tumango siya at pagkatapos nun tinulungan niya ako sa pagdala ng gamit ko at sinamahan sa dapat kung puntahan.
“Dito ang maids room.”
Medyo namangha ako sa kwarto kahit hindi naman gaanong kalakihan. May double-deck at dalawang magkahiwalay na wooden cabinet, hindi din naman gano’n kalakihan pero ayos na. Ang importante ay malinis at mabango. Kita ko na may gamit na sa taas ng double deck at nakaayos ng maigi ang pagkakaligpit ng higaan. Mukhang magkakasundo kami ng kasama ko dito.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Kanina pa kami lumilibot sa malaking bahay na ‘to para kahit papaano hindi ako maligaw at tila wala ata itong katapusan hanggang sa makarating kami dito kung saan ako mamamalagi. Tinuruan din ako ni Madam sa dapat kong mga gagawin.
“May kasama ka dito. Si Mia. Kaso nasa labas pa ata at nagtatapon ng basura.” nagdag pa niya.
Tumango at ngumiti sa mayordoma. Kahit may katandaan na siya at mukhang masungkit, pero kabaliktaran naman ‘yon.
“Madam na lang ang itawag mo sa’kin dahil iyon din naman ang tawag sa’kin ng lahat dito.”
Mabilis akong tumango at lumapad ang ngiti. “Okay po, Madam.”
Palangiti at magiliw ang ginang na ito. Bukod sa kanya, may ilan pa ding kasambahay na makakasama ko. Sa laki ba naman nitong bahay, hindi sapat na isa o dalawa lang kasambahay.
Pang-apat na ako at may kanya-kanya kaming mga gawain. At inassign ako sa paglilinis ng kwarto ng amo namin at taga-sunod kung anong iuutos. In short, personal maid daw. Sabi naman ni Madam, baka halos paglilinis lang ng kwarto ang gawin ko dahil lagi naman daw itong wala sa bahay.
Kung lagi naman pala siyang wala dito para saan pa ‘tong sobrang laking bahay?! Sayang naman ‘to kung walang nakatira dito.
Wala akong ideya kung sino ang boss ko. Nag-apply ako pero hindi ang mismong may ari ng bahay na ‘to ang nag-interview sa akin kundi ‘yon mayordoma. Si Madam ang tumanggap ng application ko at siya din ang nag-interview sa’kin.
Tumingin siya sa wall clock kaya napatingin din ako. Bahagya akong nagulat sa oras.
“Ang bilis naman ng oras.” may pagkamangha niyang sabi.
“Oo nga po.” mahina kong sabi. Nakakaramdam na ako ng antok.
“Magpahinga ka na lang muna. Bukas pa naman ang simula mo e.” bilin niya sa’kin.
Tumango ako. “Sige po. Salamat.”
Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Kaunti lang naman ang dala ko kaya nung matapos ako. Huminga ako ng malalim bago binagsak ang katawan ko sa kama.
Kailangan kong mag-ipon ng lakas dahil sa mga susunod na araw puro pagta-trabaho na lang gagawin ko.
Pero lahat ng saya ko kanina biglang naglaho at saglit na tumitig sa taas ng double deck na hinihigaan ko bago pumikit at pinili na ngang matulog.
Nagising ako na patay na ang ilaw sa kwarto ko. Bumangon ako at kinuha ang cellphone para tignan kung anong oras na. Laking gulat ko na alas dies na pasado. Sobrang haba ng tulog ko!
May naririnig akong humihilik sa taas. Tumayo ako at sinilip ang kasamahan kong tulog na tulog. Pagod na pagod siguro siya kakatrabaho.
Baka bukas ganyan na din ako. Sanay naman ako sa gawaing bahay pero hindi ko alam kung kakayanin kong maglinis ng sobrang lawak na lugar ng ako lang. Hindi naman buong bahay ang lilinisan ko ayon na din kay Madam pero malamang nakakapagod ang paglilinis sa bawat kwarto lalo na kung malaki.
Sabay wala namang trabaho ang hindi nakakapagod.
Tsaka importanteng magawa ko kung anong rason ko sa pagpunta rito.