“Hindi ka ba kakain?” Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hawak ko ang bread knife at tinidor at nang binalingan ko ang pagkaing nasa harap ko hindi ko pa pala ito nagagalaw. Nasa isip ko pa rin iyong mga napag-usapan namin ni Winston. At heto lang sa harapan ko ang pinag-uusapan namin kanina lang. Mariin kong hinawakan ang parehas kong hawak bago ngumiti at tumingin sa kanya. “Kakain na.” I said. Kumain ako kahit na lumilipad ang isip ko tungkol sa kanya. Sa buong pagkatao niya. I barely know him aside from the fact that he’s my Boss and I am his personal maid which is the reason why I am with him now. I know a little bit about him. Madami pa akong hindi alam sa kanya. I should not let my guard down. Isa pa, masyadong tago ang pagkatao niya at hindi mo basta malalaman ang profile

