Blake's POV: "To my secret place." Saan naman kaya yon? Nang pinaharurot na nya ang sasakyan ay hindi na ako nagsalita at tahimik na tumingin sa daan. Huminto muna kami sa isang drive thru at um-order ng makakain para daw baunin namin. Tahimik lang sya habang nagda-drive habang ako ay napapatingin sa daan. Saan kaya kami pupunta? Napansin ko na nakalabas na kami ng lungsod at yong daan ay paakyat na. Wala na akong nakikitang mga sasakyan na dumadaan. May isa rin akong napansin sa kanya, masyado syang mabilis magpatakbo ng kotse. Parang sanay na sanay na syang magpatakbo ng kotse, baka may kotse sya. Pero motor lang ang nakikita kong gamit nya... Bigla nalang nyang inihinto ang sasakyan. "We're here." Masayang sabi nya. Napatingin naman ako sa paligid. Nandito kami sa lugar kung saan

