Allison's POV: - Parking Lot - "Boss pwede bang wag muna natin sabihin o ipaalam sa mga sa mga tao sa campus kung ano tayo?" Pakiusap ko kay Blake. Tatlong linggo narin ang nakakalipas simula ng date namin. Tatlong linggo na rin kaming hindi pumapasok dahil nagbakasyon kami sa ibang bansa. Nandito na kami sa parking lot ng campus pero nasa loob parin kami ng kotse nya. Tented naman ang kotse nya kaya hindi kami makikita ng mga studyante na dumadaan dito. "Bakit naman?" Inis na tanong nya. Napabuntong hininga naman ako. "Kasi hindi pa ako handa at isa pa masyado kang maraming fans sa loob, baka ano pa gawin nila sa akin dahil sa selos. Alam mo naman yong mga babae mo masyadong possessive sayo." "Hindi naman kita pababayaan ah. Isa pa subukan lang nila na saktan ka at ako ang makakala

