Blake's POV: Pumayag ako sa gusto nya na hindi na muna sabihin dahil may tiwala ako at mahal ko sya. Pero nakakainit ng dugo yong nakita ko pa syang nakikipagtawanan sa lalaking yon. Pasalamat ang lalaking yon at yon lang ang ginawa ko sa kanya. Ang sarap pa naman suntukin sa mukha. Hindi ako pumasok kanina dahil naiinis pa ako, baka mag-away lang kami kaya tumambay nalang ako sa rooftop. Nagpapalamig pa ako ng ulo ng dumating naman si Allison at nasigawan ko pa sya. Nagseselos ako... Ayoko na may iba syang kausap na lalaki, lalong lalo na at katawanan pa. Oo seloso ako. I'm a selfish person, I don't share what's mine. Ano ba Blake? Bago lang kayo nagkaayos, inaway mo naman sya? Hindi ko naman sinasadya na sigawan sya, nagselos lang ako. Ang bobo mo Blake. Napasabunot nalang ako sa bu

