Meadow's POV: Hindi ko alam kung bakit pinatawag kaming lahat papunta sa gym. Nang makaupo kami ni Cresent sa gym ay nakita ko na lang si Sebastian na nasa stage na nakaharap sa drum at may hawak na drumstick. Nang makita ko syang tumugtog ay parang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko maitatangging gwapo talaga sya noong una naming pagkikita, pero mas lalo syang gumwapo ng sinimulan nyang hampasin ang drum. Tama talaga sila, napakaliit lang ng mundo. Hindi ko aasahan na sa iisang uni lang pala kami pumapasok. Banda ba sila dito? Ang astig tuloy nila tignan, yong vocalist nila sobrang ganda, gaya ng boses nya. Pero parang nakita ko na sya. Hindi ko lang alam kung saan. Nang matapos na kumanta ang babae ay nagsalita sya at asawa pala nya yong gwapong lalaki na tinatawag nilang King.

