Blake's POV: Miss me readers? Hehe. Ilang araw na ba? Magsa-sampung araw na ding tulog si Allison at hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising. Okay naman daw sya sabi ng doctor kaya hindi dapat daw ako mag-alala pero hindi ko naman maiwasan na mag-alala hanggat hindi pa sya nagigising. "Hayy..." Malakas na buntong hininga ni Cresent. "Kailan kaya gigising si bessy?" Nakaupo kaming lahat sa isang round table dito sa silid, nandito kaming lahat maliban kay Seb. Ewan ko ba kung nasaan yon. Ang report naman ng mga kaibigan ko bumalik daw sa pagiging babaero yon, mas lumala nga daw kasi oras-oras nagpapalit ng babae at gabi-gabing umiinum. Napatingin naman ako kay Meadow na malungkot kasi gusto nya daw makausap si Seb pero pinagtatabuyan daw sya nito. Napabuntong hininga nalang ako, a

