Cresent's POV: Sobrang saya namin dahil nagising na talaga si bessy, na-miss ko sya. Sya kasi yong ate sa aming lima, taga bigay ng advice at taga-comfort sa amin. Pero mukhang hindi nya mabibigyan ng advice ang katabi ko dahil din sa sya pala ang rason kung bakit hiniwalayan ni Walter si Mead. Masaya din ako at nagising na ang loka-loka kong kaibigan. Na-realize din nya na tuluyan na talagang nahulog ang loob nya kay Seb. Botong-boto ako kay Seb para sa kanya dahil malambing, caring at mabait ito at ang ikinahanga ko talaga kay Seb ay galing sa pagiging playboy ay nagbago sya para kay Mof. Gaya nga ng sabi ni Allison na pag-ang playboy nagbago asahan mong loyal sayo at yon nga ang nakita namin kay Seb. Para nga syang tarsier kung dumikit kay Meadow eh, ayaw ng humiwalay sa kanya.

