Cresent's POV: "Ally." Hinihingal na bungad ni Seb kay Allison na nagulat pa sa pagkakita nito. Pinagpapawisan ito at halatang bagong gising. Nakapantulog at magulo ang buhok. Bahagya namang natigilan sa pag-uusap ang apat dahil sa pagdating nya. Napatingin naman ako kay Meadow na masayang makita si Seb. Tsk, tsk, tsk pag-ibig nga naman. "Sebby." Nakangiting tawag ni Ally pagkatapos nyang magulat. "Mauna na kami love." Paalam ni Walter. "See you at home babe." Masigla namang paalam ni Zachary. "Pagaling ka princess." Hinalikan naman sya sa noo ni Xander at gumaya naman ang dalawa. Tumungo naman silang tatlo sa pinto kung saan nakatayo si Seb. "Mauna na kami dude." Paalam ng tatlo. "Sige." Tumango naman si Seb. Nagpaalam din sila bago tuluyang umalis. Lumapit naman si Seb kay Al

