Lelouch's POV: Isinara ko na ang laptop na gamit ko sa pagtawag kay Aye, napasandal naman ako sa swivel chair and touch the bridge of my nose. Kahit kailan pasaway talaga. Napailing nalang ako at tumayo. May meeting pa akong pupuntahan. Kinuha ko na ang susi at coat ko, tinungo ko na ang pintuan at pagkabukas na pagkabukas ko ay may nakita akong babaeng nakahandusay sa harap ng pinto ng unit ko. Nakabalot sya ng sarili nyang dugo. "s**t!" Agad ko itong binuhat at pinasok sa bakanteng kwarto ng unit ko. Actually may sarili kaming bahay dito sa Japan kasi Japanese ang mommy namin, pero hindi ako doon natutulog kapag nandito ako. Umuuwi lang ako doon kapag kasama ko sina Aye, masyado kasing malaki ang bahay na yon at ayoko mag-isa doon although may mga katulong naman doon pero mas gust

