Tazzana's POV: "Oh ano? Nakita mo ba ang tatlo?" Tanong sa akin ni Akshita. "Oo." Walang ganang sagot ko. "Oh ano? Gwapo ba? Sino mas gwapo sa tatlo? Si Xander? Si Zachary? o si Walter? Dali... Sino?" Makulit na tanong ni Shreya. "Ano ba Shreya, tumigil ka nga." Saway sa kanya ni Akshita. "Nandito tayo para bantayan ang tatlong yon, dahil yon ang utos ni boss." "Ito naman ang seryoso." Nakangusong sabi nya. Sumandal nalang ako sa upuan, nandito na kami ngayon sa van at papunta na sa bahay ni Boss. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil parang inaantok ako, pero sa pagpikit ko ay imahe nya ang nakita ko. Napahawak naman ako sa labi ko, hindi ko alam kung anong masamang ispirito ang sumanib sa akin kanina para tumugon sa halik nya. Ayaw ko man aminin pero bigla nalang lumakas ang t

