Xander's POV: "Anak ng... Bakit mo ako binaril?" Sigaw ni Walter sa akin. Nandito kami sa game room ng mansion at naglalaro kami ng MC4 nina Walter at Zachary. "Ulul! Syempre dahil magkalaban tayo." "Namputcha! Patay na naman ako." Sigaw naman ni Zachary. Ganito kami kaingay sa twing naglalaro kami. Wala kasi kaming magawa ngayon. Nasa Japan naman si Boss Lelouch kaya tambay muna kami. Nag-ring naman ang telepono ng mansion na nandito sa game room. "Hoy Zacharyat! Sagutin mo, may tumatawag sa telepono." Sigaw ni Walter kay Zachary. "Ikaw kaya Walture total ikaw naman ang weak!" Ganting sigaw nito. Napailing nalang ako at tumayo para sagutin kung sino man ang tumatawag. "Hello?" "Nffsjusbwksbsu..." Ano daw? Ang ingay kasi ng dalawang ito eh, sarap pang-umpugin. "Gago! Sinong weak!?

