Meadow's POV: Habang nag-uusap kami ng mga babae ay bigla namang bumukas ang pinto at may tatlong lalaking pumasok. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ko ang isa sa mga kasama nila na matagal ko ng hindi nakikita. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at ganon din ang mga kasama ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Cresent ang braso ko, napatingin naman ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-alala. Kaya ko to. Napatingin ulit ako sa mga dumating. Walter. Sambit ko sa isip ko. Napatingin naman kami sa isang pintuan dito sa loob ng silid at lumabas ang mga lalaki galing sa kusina at lumapit sa amin. Hindi ko napansin na tinawag pala sila ni Fayre dahil masyado akong nakatutok sa lalaking kaharap ko ngayon. Napatingin naman ulit kami sa pinto kung saan

