Meadow's POV: Umalis na ang doctor at gulat na gulat naman ang mga kasama ko, lalo na si King dahil sa ginagawa ni Walter kay Ally. Hinaplos-haplos nya kasi ito sa mukha at buhok habang nakaupo sa tabi nito at nag-aalalang tinignan ito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Allison ang babaeng dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan at iniwan. Napatigil naman ito sa ginagawa nya ng magsalita si Zachary. "Oy! Musta Crest? Long time no see ah?" Siniko naman sya ni Xander at napatingin sa amin si Walter na parang wala lang. Si Cresent ang tinutukoy nyang Crest, yon kasi ang tawag nya kay Mof. Ganon lang yon? Para wala lang nya kami kung tingnan. "H-Haha Oo nga eh. Ito okay lang. He he he." Tumawa naman ng mahina si Cresent pero halatang napipilitan. "Hey." Pormal na bati

