Blake's POV: Hindi na bumalik sina Meadow at Seb simula ng lumabas sila. Nag-uusap-usap naman ang mga babae tungkol sa nangyari kanina. Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. Naaawa ako sa kaibigan ko, alam kong ganon din sila. Ngayon nga lang nagseryoso nasaktan pa at ang mas masakit pa, mahal pa nya yong ex nya. Wala ka talagang pag-asa pagmahal pa ng taong mahal mo ang ex niya, sila nauna eh. Kung pagbabasihan naman ay may pag-asa talaga si Seb kasi sa twing nakikita ko silang magkasama masaya sila, makikita mo sa mga mukha nila na masaya sila. Sobrang effort pa ni Seb sa kanya, lahat ata ng kasweetan nya sa katawan ay nilabas na nya para lang maparamdam kay Meadow na mahal na mahal talaga nya ito. Nakikita ko din naman na masaya sya pagkasama si Seb, sobrang tahimik nga nya

