Blake's POV: Napabalikwas naman ako ng bangon at nasapo ang noo ko. Napatingin naman ako sa side ko, wala si Allison. Siguro nauna ng bumaba yon. Napasandal naman ako sa headboard. Every year nalang napapanaginipan ko yon. 5th death anniversary ngayon ni Ysa, sa twing darating ang araw na ito ay palagi ko nalang napapanaginipan ang mga ganoong eksena. Parang parati nyang pinapaalala sa akin kung anong araw ngayon. Hindi ko nakakalimutan Ysa. Napabuntong hininga nalang ako. Bumangon na ako at pumunta ng banyo para maligo. Napasandal naman ako sa pader habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko na nagluluto habang kumakanta. Napangiti naman ako. Dati noong sinabi ko kay Ysa ang mga katagang 'Everything happen for a reason. He have a reason' noong namatay ang kuya nya dahil sa aksidente,

