Allison's POV: Naupo kami ni Blake sa isang couch dito sa rooftop. Ganon din ang iba, nakaupo sa iba't-ibang couch kasama ang mga kanya kanya nilang kasintahan. Nandito kaming lahat sa rooftop. tumatambay. Hapon na kasi at napagdesisyunan nila na tumambay muna dito. Isinubsob naman ni Blake ang ulo nya sa leeg ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa balat ko. "Kyaaaaahhhh!!!" Napatingin naman kami kay Farye at Cresent na sumigaw tapos nagtatalon habang hawak-hawak nila ang kamay ng isa't-isa. "Sandali." Awat ni Faith. Yong mga boys naman ay nakikinig lang. "Bakit ba kayo sumisigaw dyan? Ano bang meron?" Bumaling naman sya sa akin at bumulong. "Nabasag eardrums ko best." Natawa naman ako. "Ako nga rin eh." "Eh kasi ganito yon." Umpisa

