Simula
Simula.
"Wala nang gatas si Jayjay." Napalingon ako kay Rona sa sinabi niya. Napatingin din ako sa hawak niya na feeding bottle at lata ng gatas sa tabi nito na parehas na wala ng laman.
"Wala na ba sa box?" Tanong ko habang inaayos ang espada ko sa lagayan.
"Last na yang lata na yan." Napatango ako mukhang maghahanap na naman kami ng grocery store.
"Ron! Yung gatas ni Jayjay!" Sigaw ni Louie sa taas.
"Wala na siyang gatas!" Sigaw pabalik ni Rona.
"What?! Wala na ba sa box?" Kasunod ng tanong niya ay mga yabag pababa sa hagdan. At segundo lang ang lumipas lumitaw na siya sa pintuan ng kusina karga si Jayjay na umiiyak.
"Ito na yung huling lata." Wagayway ni Rona sa wala ng lamang lata ng gatas sa harapan ni Louie.
"Get ready, maghahanap tayo ng grocery store." Isinukbit ko ang espada sa likuran ko at kinuha si Jayjay mula kay Louie.
Pinanuod ko silang dalawa na maghanda para sa pagalis, ipinasok ni Louie sa bag niya ang kitchen knife na bitbit niya nung makita namin siya ni Rona sa bahay nila. Kasunod ang dalawang feeding bottle ni Jayjay at isang litrong tubig. Tinapay at isang litrong softdrinks.
"Sana hindi tayo matagalan sa paghahanap baka maubusan tayo ng pagkain sa daan, ayoko na mangyari yung tulad nung una." Sabi niya habang sinizipper ang bag niya.
"Magdadala ako ng marami." Sabi ni Rona at nilagay sa box na hawak niya ang limang supot ng slice bread, limang litrong softdrinks, biskwit at sampung lata ng corned beef.
Napangiwi naman ito ng lagyan ni Louie ng kutsilyo ang box.
"Ayoko pumatay." Sabi niya at inalis ang kutsilyo at nilapag sa mesa.
"You will!" At binalik ni Louie ang kutsilyo sa box.
"I'm scared Louie." Halos paiyak nang sabi ni Rona.
"Damn for being scared, you will kill or you're the one who will get killed?" Hamon sa kanya ni Louie. Tuluyan ng tumulo ang kanina'y nangingilid na luha sa kanyang mata.
"I don't have the heart to do the killing, they used to be humans before." Umiiyak nitong sabi. Napabuntong-hininga na lang si Louie at binawi ang kutsilyong nilagay niya sa box.
"Let's go guys, baka abutan tayo ng dilim sa daan." Sabi nito at sinukbit ang bag sa balikat at naunang lumabas sa kusina.
"Wipe your tears Ron, c'mon." Sabi ko at kinuha ang bag ko at sumunod na kay Louie.
Paglabas ko sa pinto ay dumiretso na ako sa kotse at binigay si Jayjay kay Louie na nasa front seat na. Pinagbuksan ko naman ng pinto si Rona at tinulungan ilagay ang box sa likod. Nang maayos na siya pumunta na ako sa driver seat at inistart na ang kotse.
"Saang grocery store tayo?" Tanong ko.
"Sa una nating kinuhanan di ba marami pa dun?" Napatango ako kay Louie at nagumpisa nang mag drive papunta sa grocery store na isang oras yata ang biyahe. Napatingin ako sa wrist watch ko alas tres na ng hapon kaya naming umuwi ng alas singko sa bahay.
Napalingon ako kay Jayjay ng mapansin kong tahimik na ito mula sa pagiyak. Nakatulog na pala. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming apat walang nagsasalita mula ng umalis kami sa bahay.
Nang malapit na kami sa grocery store ay nagsalita si Louie.
"Ron, bantayan mong mabuti si Jayjay kapag kumukuha kami ng supplies ni Kat. Hindi na kita pipilitin na pumatay ng Lefters. Basta ipangako mo lang sa amin ni Kat na babantayan mong mabuti si Jayjay kaming bahala ni Kat pomrotekta sa inyong dalawa basta babantayan mo siyang mabuti." Sabi ni Louie habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.
"Pero Ron alam nating mas mabuti kung marunong kang pumatay mas safe kayong dalawa." Sabi ko at tiningnan siya sa rearview mirror. Katulad kanina nangingilid na naman ang luha nito.
"Lefters." Rinig kong sabi ni Louie kaya napatingin ako sa harapan ng sasakyan.
Napapreno ako ng makita ko ang mahigit isang daang Lefters sa harap ng grocery store.
"What are we gonna do now?" Tanong ni Rona mula sa backseat.
"Let's find another grocery store, hindi tayo makikipagsapalaran." Napatango ako sa sinabi ni Louie.
Nagulat ako ng may kumalabog sa likod kasunod ang nakakabinging tili ni Rona. Nang tiningnan ko ito ay may Lefters sa bintana niya. Kaya pinaandar ko na ang kotse paabante at sinagasaan ang mga Lefters sa unahan. Napatingin ako kay Jayjay na himalang hindi nagising sa lakas ng tili ni Rona.
"15 minutes from here ang grocery store ng mga Lin duon tayo." Sabi ni Louie, parehas kaming napalingon sa rearview mirror para tingnan ang reaksyon ni Rona, namula ang mga pisngi nito at napayuko.
"Sparks in the time of Apocalypse." Nakangising sabi ni Louie. Crush kasi ni Rona ang anak ng may-ari ng grocery store.
"Tingin niyo nanduon pa kaya ang mga Lin sa bahay nila sa likod ng grocery store? O kung may pagkain pa sa grocery store nila?" Tanong ko.
"Yan ang aalamin natin." Sagot ni Louie, pagliko ko sa kanto papunta sa grocery store nakakapanibago na walang palakad lakad na Lefters malinis ang kalye maliban sa mga nagliliparang dahon at papel.
Tinigil ko ang sasakyan sa harap ng tindahan at bumaba kasunod si Louie na sinalubong sa pagbaba si Rona para ipakarga si Jayjay na gising na.
Lumakad ako sa entrance ng grocery store at nadismaya ng makita na may kadenang kandado ang pinto. Punung puno pa naman ng pagkain ang loob, kita ito sa glass wall ng tindahan.
"Should we break the glass?" Tanong ni Louie at pumulot ng malaking bato sa gilid ng plant box. She was about to smash the rock into the glass wall ng pigilan siya ni Ron.
"No don't! Look!" Sabi nito at tinuro ang signage na nasa loob ng store na ang dapat na nakasulat ay close at open sa magkabilaan pero ang nakalagay ay: "THE KEY ITS UNDER THE MAT" in bold letters.
"What an ugly penmanship." Sabi ni Louie at inihagis ang bato pabalik sa plant box at chinek ang ilalim ng mat, nanduon nga ang susi.
"Sulat kamay yan ni Jer." Sagot ni Rona habang sinususian ni Louie ang kandado.
"Talaga? Totoo pala na pag panget ang sulat gwapo o maganda yung nagsusulat." Sabi ko.
"Ganun ba yun ang akala ko kapag panget ang sulat matalino yung nagsusulat." Nakatawang sabi ni Louie at tuluyan ng nabuksan ang pinto.
Pumasok kaming apat kumuha naman ako ng upuan pang harang sa pinto. Nakita kong dumiretso na si Louie sa stand ng mga gatas kasunod si Rona na may tulak tulak ng push cart kung saan nakasakay si Jayjay na may nilalaro nang isang supot ng lollipop.
Kumuha agad si Louie ng sampung lata ng gatas.
"You think guys it's enough?" Turo niya sa lata ng gatas.
"Balik na lang tayo kapag naubusan ulit si Jayjay." Sabi ko at dumiretso sa stand ng mga cup noodles.
"I can't read it." Tumatawang sabi ni Louie sabay wagayway ng hawak niyang biskwit.
"This is a chinese grocery store guys kaya di niyo talaga to mababasa." Sabi ni Rona habang karga na si Jayjay dahil puno na ang push cart. Tiningnan ko ang mga laman nito. Breads, candies, canned goods, softdrinks at mga pang personal hygiene.
Napatingin ako sa mga nilagay ni Louie na cup noodles at biskwit.
"Hindi man natin nababasa, nakakain pa rin naman yan." Sabi niya at tinulak na ang push cart palabas ng grocery store sumunod naman si Rona at paunti-unting tinulungan si Louie sa paglalagay ng mga kinuha namin sa trunk ng sasakyan.
"Tingin niyo guys nasaan ang mga Lin?" Tanong ko sa kanila habang binabalik sa pagkakakandado ang pinto ng grocery store.
"It's either they're still alive or turned as Lefters" sagot ni Louie. Napatingin kami pareho kay Rona.
"Kung buhay pa sila guys tingin niyo nasa likod lang sila?" Tanong niya at tumanaw sa loob ng tindahan tagos sa glass wall, mga food stand at pader ng tindahan na parang nakikita niya ang bahay ng mga Lin sa likod ng tindahan na ito.
"Gusto mo bang icheck natin?" Tanong ni Louie na itinabi na lang sa gilid ang push cart na ginamit namin dahil tuluyan ko ng nasarado ang pinto ng tindahan.
"Hindi na. Mag gagabi na rin baka abutan tayo ng dilim sa daan." Sagot niya at nauna nang pumasok sa loob ng kotse. Pumasok na rin si Louie sa front seat binalik ko naman ang susi sa ilalim ng mat. Para sa mga taong posibleng nakaligtas mula sa pagsabog at pakikipaglaban sa mga Lefters.
Pumasok na rin ako sa driver seat at pinaandar na ito pauwi ng bahay. Nadaanan ulit namin ang unang grocery store na ngayon ay mas lalo yatang dumami ang Lefters na nasa labas.
"Siguro may tao sa loob at inaabangan nilang lumabas." Sabi ni Louie.
Nagpatuloy ako sa pagdadrive at binilisan pa ng konti para di kami abutan ng dilim sa daan. Naaattract kasi sa liwanag ang mga Lefters. Baka dumugin ang kotse namin.
Nasa kanto na kami mula sa bahay namin ng mapansin kong may mangilan ngilang Lefters na naglalakad.
"Wala naman yang mga yan dito kanina ah."
"Mukhang nakapunta na rin sila dito." Sabi ni Louie.
Malapit na kami sa tapat ng bahay ng mapansin kong may isang kumpol ng Lefters sa tapat ng pintuan namin na waring may pinagkakaguluhan.
"Oh s**t!" Sigaw ni Louie at may itinuro sa labas ng kotse sinundan ko ito ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dog collar ni Bob na nakasabit sa isang kamay ng Lefters habang may sinusubong mahabang kadiring bagay.
"Oh my god! Bob is alive. I didn't know." Sagot ko at lalabas na sana para iligtas siya pero napigilan na ako ni Rona sa sinabi niya.
"Ubos na siya." At itinuro ulit ang kumpol ng mga Lefters na ngayon ay umaalis na mula sa pagkakakumpol at naiwan na ang dog collar sa lapag kasama nang bakas ng dugo ni Bob.
"Oh my god! Papunta na sila sa atin." Sabi ni Louie at itinuro ang mga nasa harapan ng sasakyan at pati sa side ko.
"Iiwan natin yung bahay?" Tanong ni Rona. I guess yes.
"Saan sila galing bakit ang dami nila?" Tanong ni Louie at napatili pa ng pukpukin ng isang Lefter ang bintana niya.
"Babalik tayo sa grocery store I think mas safe dun at puno pa ng pagkain." Sabi ko at nagdrive pabalik sa grocery store ng mga Lin.
I drove fast. Leaving the house where I spend my youth days. And where me and my family live for a long time.