PENELOPE ELEANOR
Nagising ako ng umaga dahil sa tawag ng isang tinig mula sa labas ng aking kuwarto. Hindi ko pa dinidilat ang mata ko dahil naaantok pa ko at parang pagod na pagod pa.
Sino ba ang tumatawag?
"Madam Penelope, gising na po kayo. Baka ma-late na po kayo sa inyong klase!"
Napabalikwas ako ng bangon nang maging malinaw sa akin ang sinasabi ng tinig. Tumingin ako sa kanang bahagi ko at tinitigan ang alarm clock na nakalagay sa study table.
Oh my gosh! Tanghali na nga!
Nagmadali akong pumunta sa banyo para maligo at nag-ayos. Habang naliligo ako ay isa-isang bumabalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari kahapon.
Oo nga pala, nakatakda na nga pala akong ikasal. Nabanggit din sa akin ni Kendy sa weekend ay lalabas kami para bumili ng wending gown ko at iba pa.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Ngayon ko lang napagtanto na totoo pala talaga ang lahat ng nalaman ko kahapon at hindi lang isang panaginip.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ko at dumiretso sa haba-kainan. Nagpalinga-linga ako sa paligid nang hindi ko makita si Kendy.
Nahalata yata ng mga katulong ang paglinga ko kaya lumapit sila sa akin pagkatapos nilang ilapag ang mga pagkain para sa almusal ko.
"Kumain na po kayo, Madam para makapasok na po kayo sa paaralan."
Ngumiti ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa harapan ko lang naman. Hindi na ko mas'yado nagulat nang makita ko ang napakadaming pagkain sa harapan ko.
"Nasaan si Kendy? Tulog pa ba siya?"
Umiling sa akin ang katulong. "Hindi po. Kanina pa po siya umalis dahil maaga po ang trabaho niya sa opisina. Pinapasabi po niya na kumain daw po kayo ng marami para mas sumigla kayo sa klase."
Napasimangot ako sa sinabi ng katulong. Sa sinasabi ni Kendy ay parang mababa ang mga grades ko dahil hindi ako gaanong masigla sa klase ko.
Inayos ko ang salamin na unti-onti nang bumababa sa tungki ng ilong ko.
"Patawad, pero nawalan na ko ng gana kumain. Sa school na lang ako mag-aalmusal." Tumayo ako at aalis na sana nang muli akong mapatingin sa mga pagkain at sa limang katulong na nasa tabi ko.
Dahil sa sinabi ko ay tahimik na nilang inaayos ang mga pagkain na hindi man lang nagalaw.
Nakaramdam ako bigla ng konsensiya. Tiyak na gumising din ng maaga ang mga katulong na 'to para lang gawan ako ng makakain ngayong umaga.
Bumuntong hininga ako ng malalim at bumalik sa inuupuan ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga katulong.
"Kakain na pala ako rito, pero gusto kong sabayan ninyo ko sa pagkain."
Napatingin sa 'kin ang lahat ng katulong dahil sa sinabi ko.
"Patawa po, Madam. Bawal po kami sumabay kumain sa inyo."
Yumuko silang lahat sa akin bilang isang paggalang. Samantala, nagsalubong ang kilay ko sa pinahiwatig nila.
"Wala naman ang amo ninyo, hindi ba? Hindi naman niya malalaman na kumain kayo kasama ako. Tss."
Napatingin ako sa pintuan ng dinning room nang pumasok ang dalawang nakaitim na lalake. Huminto sila sa tabi ko at sabay na yumuko sa akin.
"Madam, kailangan n'yo na pong magmadali upang makapasok na po kayo sa inyong eskwelahan. Kami pong dalawa ang maghahatid sa inyo."
Dahil sa sinabi nilang dalawa ay mas lalo akong napasimangot. Pinagkrus ko ang aking dalawang kamay at saka humarap sa kanila.
"Dahil nandito na rin kayong dalawa ay samahan n'yo na rin ako kumain. Hindi ako papasok kung hindi ninyo pagbibigyan ang kahilingan ko."
Natahimik silang lahat sa pinahayag ko. Heh. Hindi sila mananalo sa 'kin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawang lalake kaya lumabas ng bahagya ang ngiti sa labi ko.
Sinenyasan ng isang lalake ang lahat ng mga katulong na kasama ko at pinaupo sila sa tabi ko. Ang dalawa namang lalake ay umupo sa harapan ko.
"Kumain na po tayo, Madam."
Hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko nang tumango ako sa kanya.
Madali lang naman pala sila kausap eh.
*
Pagkapasok ko sa loob ng aking silid-aralan ay sinalubong agad ako ng kaibigan kong si Raelynn. Hinila niya ko patungo sa upuan naming dalawa. Nang makaupo na kami ay saka siya humarap sa direksyon ko.
Naramdam ako ng kaba dahil sa kinikilos niya. May alam na kaya siya tungkol sa kasal? Paano niya kaya nalaman?
Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga lalake na humahatid-sundo sa akin ngayon sa paaralan. Ngayon na naalala ko, hindi ko pa alam ang pangalan ng mga lalakeng 'yon at ng mga babaeng katulong sa bahay.
"Penelope?"
Bumalik ang kaba na nararamdaman ko nang maranig ko ang tinig ng kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanya at sinamaan naman niya ko ng tingin.
"Sabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig sa 'kin eh. Tinatanong ko kanina pa kung anong ginawa mo sa Dean's Office kahapon."
Nakahinga ako ng maluwag sa loob ko. Akala ko ay alam na niya ang tungkol sa kasal. Wala pa kong balak ikuwento sa kanya ang tungkol doon lalo na ang banggitin ang pangalan ng taong pakakasalan ko.
Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon niya sa malalaman.
Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya. Sana lang ay hindi niya makita ang tunay na emosyon na nakatago sa ngiti ko.
"Huwag kang mag-alala dahil wala naman nangyaring masama. Inutusan niya lang ako."
Tinitigan ako ni Raelynn at tila kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo. Buti na lang at pumasok na ang professor namin kaya hindi na kami nakapag-usap ulit.
Ilang minuto ang lumipas ay kasunod ng aming professor na pumasok 'yong lalake na nakita namin ni Raelynn kahapon sa cafeteria.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin ako sa kanya. Sa pagkakaalala ko ay Escanor Kennedy ang pangalan niya. Totoo palang kaklase ko siya.
Nagkunwari akong nag-ayos ng aking salamin nang makita ko siyang lumingon sa direksyon ko.
"I'm sorry, I'm late."
Walang naging reaksyon ang professor sa kanya. Parang wala nga itong pakialam sa pagdating niya. Bakit ako napagalitan nang mahuli ako sa klase? Tss.
Tumingin siya sa paligid. Pagkatapos ay naglakad siya sa direksyon ko. Para akong naestatwa sa inuupuan ko nang huminto siya sa harapan ko.
"Paupo sa tabi mo. Salamat."
Hindi na ko nakasagot sa kanya dahil umupo na siya ng diretso sa tabi ko.
Nagpatuloy ang klase habang ang kaibigan ko ay pasimple akong siniko. Lumingon ako kay Raelynn at nakita ko ang nang-aasar na ngiti sa kanyang labi.