Chapter 5

1062 Words
PENELOPE ELEANOR Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko habang ang aking tingin ay nasa puno ng mangga na nasa aking harapan. Pinagmasdan ko ang ilang dahon na nalalaglag sa tuwing sumisimoy ng malakas ang hangin. Hawak ko ang sa international book na binili ko pa sa national bookstore dati, pero parang wala akong gana na magbasa sapagkat ang utak ko ay lutang at tila may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis ngayon. Dahil kaya sa soon to be husband ko? Naaasar ako sa tuwing naaalala ang pakikitungo niya sa akin. Halos hindi kami gaanong nagkikita sa kanyang mansion dahil lagi siyang wala. Pagkatapos, ang mga katulong ang kasama ko nang ayusin ko ang problema tungkol sa aking magulang. Ni anino niya ay hindi nagpakita sa 'kin. Ano kaya talaga ang pakay niya sa 'kin? Alam ko sa sarili ko na hindi ako gaanong maganda. May suot ako laging malaking salamin sa mukha, hindi gaanong maganda ang suot ko. Hindi ako mahilig mag-ayos katulad ng ibang babae at higit sa lahat ay walang maipagmamalaki sa katauhan ko kundi ang talino at pag-aaral ko lang. Kung wala siyang gusto sa akin, bakit gusto niya pa kong pakasalan? Sumasakit ng husto ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang tungkol doon kaya hindi ko na lang mas'yado iniisip kahit na minsan ay bigla na lang lumilitaw sa isipan ko ang tungkol doon. "Penelope!" Lumingon ako sa taong tumawag sa 'kin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka nang makita ang nakasimangot na mukha ng kaibigan ko. Nang makalapit siya sa akin ay tinitigan pa niya ko ng seryoso. "Pinapatawag ka ulit sa Principal. Sigurado ka bang wala kang ginawang kasalan?" Natigilan ako sa binalita niya. Nakalimutan ko na ngayon nga pala kami bibili ng wedding gown ko. Kaya siguro pinapatawag na naman ako sa Principal's office. Tss. Umiling ako sa kaibigan ko at ngumiti ako sa kanya. "Wala naman akong ginawang masama, Raelynn. Inuutusan lang ako ng Prinicipal." Pinanliitan niya ko ng mata at tila inaalam kung nagsasabi ako ng totoo sa kanya. "Sabihin mo nga sa 'kin, wala namang ginagawang masama sa 'yo ang principal? Babae ang principal na 'tin, pero wala naman siyang inuutos na hindi mo gusto, hindi ba?" Tinitigan ko ng maiigi ang kaibigan ko at inalam kung nagbibiro lang siya sa sinabi niya, pero nang manatiling seryoso ang mukha niya ay hindi ko na mapigilan na matawa. "Ano ba 'yang iniisip mo? Walang nangyayaring gano'n, okay?" Tumayo na ko sa inuupuan ko at nag-unat ng aking dalawang kamay. Tumingin ako ulit sa kaibigan ko. "Aalis na ko. Maiwan na kita." Tumalikod na ko sa kaibigan ko at hindi ko na hinintay ang isasagot niya sa akin. Baka mas lalo lang kasi ako matagalan. Wedding... Hindi ko akalain na mangyayari 'yon sa buhay ko nang hindi man lang ako nagkakaroon ng nobyo at hindi nakakaranas umibig sa kung sino. * Bumuntong hininga ako ng malalim at humarap sa dalawang lalake na nasa harapan ko. "Arthur, sabihin ninyo nga sa akin. Nasaan na ba si Kendy? Bakit kayo na naman ang kasama ko?" tanong ko sa lalakeng nasa kanan. Parehong malaki ang kanilang pangangatawan ni August na nakatayo sa kaliwa. Wala ring araw na hindi ko sila nakikitang nakasuot ng itim na tuxedo. Maawtoridad ang tinig nila at mararamdaman agad ang takot sa unang kita pa lang sa kanila dahil sa mukha nilang matapang ang dating. Nandito kami ngayon sa tindahan ng wedding gown. Ilang damit na ang nasukat ko, pero wala akong gana na pumili. Si Kendy ay katulad pa rin ng dati. Missing in action pa rin siya. Mukhang may malala pa sa pagpayag ko na makasal sa isang lalakeng twenty years ang pagitan sa akin. Lagi siyang busy sa trabaho. Hindi ko tuloy halos madama na ikakasal na nga ko sa kanya. "Patawad, Madam. May inaasikaso kasing trabaho si Master ngayon kaya hindi ka niya masamahan." Si August ang sumagot sa akin. Sa pagkakaalala ko sa kuwento ng dalawang lalake na kasama ko ngayon ay mas bata ng limang taon si August kay Arthur, pero magkasing tangkad lang sila ni Arthur. Napairap na lang ako sa sinabi niya. "I know. Talaga bang kailangan ko nang mamili ng wedding gown ngayon? Hindi ba p'wedeng sa ibang araw na lang?" Pakiramdam ko ay napagod na ko sa kakasukat ko kanina pa. "Patawad, Madam pero kailangan mo na pong mamili ngayon." Bumuntong hininga ako ng malalim. Wala akong nagawa kundi pumili na lang ng wedding gown kahit na wala pa rin akong gana. Pagkauwi namin sa mansion ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto at humiga sa malaki at malambot kong kama. Parang sumakit ang buo kong katawan dahil sa pagbili lang ng wedding gown. Hindi sinabi ng mga kasama ko kanina na hindi lang pala isa na wedding gown ang bibilhin namin. Tss. Ano kaa ang balak nila sa sampung gown? Ipapasuot ba nila sa akin ang lahat ng 'yon? Tss. "Penelope, p'wede ba kong pumasok?" Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang marini ko ang boses ni Kendy, pero biglang nagdilim ang paningin ko nang maalala ko ang mga ginagawa niya sa akin. "Bakit? Anong kailangan mo?" Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Tumagilid ako ng higa at tumalikod sa kanyang direksyon. "Wala naman akong kailangan. I just heard something." Mas lalong lumakas ang boses niya sa aking pandinig. Narinig ko pa ang mga yabag niya papalapit sa akin. Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "B-Bakit? Ano ba ang narinig mo?" Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit nauutal na ko ngayon magsalita. "If you need my time, just ask me. If you need something, just ask for it. Yon ang sinabi ko sa 'yo nang una tayong magkita, hindi ba?" Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang maalala ko ang sinabi niya. Nang may pagtataka na pumasok sa isipan ko ay hindi ko na napigilang humarap sa kanya. "I didn't ask your time-" "If you just tell me honesty, I will also help you kindly. I'm sorry. Simula ngayon ay mas bibigyan na kita ng oras. Just don't hate me, okay?" Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi agad ako nakasalita sa kanya. Lalo na nang magkalapit ang aming mukha at magkasalubong ang aming mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD