PENELOPE ELEANOR
Bakit ba sobrang lapit ng tao na 'to sa 'kin? Nakaramdam ako ng pagkailang sa bawat titig niya lalo na nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
His eyes looks familiar. I think I saw it before.
Napansin yata ni Kendy ang kakaibang kong titig sa kanya kaya dahan-dahan siyang lumayo sa akin. Tumingin ako sa kanya, pero hindi na niya ko matitigan sa aking mga mata.
May masama ba kong ginawa sa kanya?
"Sana ay handa kana sa araw ng kasal na 'tin. Kung wala kanang kailangan sa akin ay aalis na ko ngayon. Magandang gabi sa 'yo."
Sa huling pagkakataon ay tumingin siya sa akin at ngumiti, pero iba ang nakita ko sa kanyang mga mata. Nakaalis na lang siya sa kuwarto ko ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mukha ni Kendy.
He looks really sad, but I don't exactly know his reasons.
Dapat ko ba siyang tanungin tungkol sa nakita ko? Paano kung hindi naman niya ko sagutin?
Tss. Makatulog na nga. Hindi dapat siya ang laman ng isipan ko!
*
Nagpupunas pa ko ng aking mata nang marinig ko ang tunog ng aking alarm clock. Ngayon wala na ang mga magulang ko para kulitin ako sa tuwing wala akong gana na gumising ng umaga, kailangan kong masanay na magising sa sarili kong paraan.
Dumiretso ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos akong maligo ay kinuha ko na rin ang uniform ko sa aking closet. Isang oras din bago ako natapos na ayusin ang aking sarili. Pagkatapos kong ilagay ang salamin sa aking mata ay lumabas na ko sa aking kuwarto bitbit ang backpack ko.
"Good morning, Madam. Magtungo na po tayo sa dinning room para kumain ng inyong almusal."
"Good morning."
Tumango na lang ako kay Arthur nang ituro na niya ang daan patungong dinning room. Nauna akong naglakad sa kanya.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko sa unang pagkakataon si Kendy na nakaupo sa dinning table.
Ngumiti siya sa akin at tinuro niya ang upuan sa kanyang tabi.
"Good morning. Maupo ka."
Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkabigla kaya tango na lang ang tinugon ko sa kanya.
Nang magsimula na kong kumain ay naisipan kong magtanong sa kanya.
"Ah, wala kang trabaho ngayon?"
Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya dahil pakiramdam ko ay may makikita siya ngayon sa mga mata ko. Hindi ko rin malaman kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayong umaga habang nakain.
Bakit ba nandito siya ngayon?
"Gusto ko kasi sumabay sa pagkain sa 'yo tuwing umaga simula ngayon."
Natulala ako sa kanya nang bigla siyang magbigay ng isang ngiti sa akin. Nang makabalik sa normal ang takbo ng utak ko ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagkain ko.
"G-Gano'n ba? Wala ka bang mas'yadong gagawin ngayon sa trabaho mo?"
"Marami, pero ako naman ang may-ari ng company kaya ayos lang kung pumasok ako ng tanghali na. Isa pa, gusto ko rin na ihatid kita araw-araw sa school mo. 'Yon ay kung ayos lang sa 'yo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman masama sa gagawin niya, pero bakit ako kinakabahan sa tuwing maiisip ko na sabay kami kakain tuwing umaga at ihahatid niya ko araw-araw?
Pasimple akong lumingon sa kanyang direksyon. Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon dahil pinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain. Hindi ko lang malaman kung bakit napakaonti ng pagkain sa plato niya. Hindi pa siya nakain ng kanin. Kaya siguro med'yo payat siya.
Nang mapansin ko ang paglingon niya sa direksyon ko ay isang tango ang tinugon ko sa tanong niya kanina.
Tss. Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isipan niya.
Natapos kaming kumain at mag-ayos ulit. 1 hour bago magsimula ang klase ko ay umalis na kami ng mansion. Sa unahan nagmamaneho si Arthur. Katabi niya sa passenger seat si Agustus. Nakaupo kami sa backseat ni Kendy.
Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nasa labas lang nakatingin si Kendy buong biyahe at hindi kami nag-uusap kaya mas lalong nadagdagan ang pagkailang ko sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit ako ang gusto niyang pakasalan.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang inabot bago kami nakarating sa paaralan ko. Bumaba si Agustus para pagbuksan ako ng pinto.
Bago ako makababa ng sasakyan ay nagulat pa ko sa ginawa ni Kendy. Siya ang nagtanggal ng seatbelt ko at naamoy ko ng malapitan ang ginamit niyang pabango.
"Good luck sa pag-aaral." Ngumiti siya ulit sa akin.
Hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa gulat kaya tumango na lang ulit ako. Nang makababa na ko ng sasakyan ay hinablot pa niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. Hindi na siya nagsalita pagkatapos gawin 'yon.
Nagpaalam na sa akin sina Arthur at Agustus na may mapaglarong ngiti pa sa kanilang mga labi bago pinaharurot ang sasakyan.
Hindi ko mapigilan mamula sa ginawa ni Kendy. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at nakahinga ako ng malalim dahil wala naman nakakita sa amin.
Naglakad ako papunta sa classroom ko na hindi maintindihan ang aking nararamdaman. Sinalubong ako ng kaibigan ko na may ngiti sa aking labi at pagkatapos ay niyakap niya ko.
"Good morning."
"Good morning, Penelope. Waah! Hindi tayo nakapagkita ng weekend." Umupo siya sa kanyang upuan.
Inilapag ko na rin ang bag ko at umupo sa aking upuan.
"Next time na lang." Tumawa ako nang makita ang nakasimangot niyang mukha.
Mukha na namang bata si Raelynn. Hindi ko tuloy mapigilan magbuntong hininga. Sakto pag-upo ko ay pumasok na rin ang professor namin. Nagsimula na siyang mag-check ng attendance. Lalake ang lagi niyang inuuna.
"Escanor Kennedy."
"Escanor Kennedy."
"Present."
Napalingon ang buong klase sa bagong dating na si Kennedy. Lumingon lang ang professor namin sa kanya at pinagpatuloy na nito ang pag-aattendance. Umupo si Kennedy sa tabi ko.
Suwerte talaga niya dahil hindi siya trip pagalitan ng professor.
Pag-upo ni Kennedy ay napalapit siya sa akin ng konti at bahagya akong natigilan nang maamoy ko ang pabango na gamit niya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko at lumingon ako sa kanya. Paglingon ko ay nahuli ko siyang nakatingin din sa akin at nagsalubong ang aming mga mata.
His scent...
The color of his eyes...
Smell and looks familiar.