Penelope Eleanor
Nagpatuloy ang araw-araw na pagsabay sa akin ni Kendy sa pagkain ng almusal at paghatid-sundo sa akin. Kung minsan ay nagyayaya din siyang kumain sa labas pagsapit ng gabi. Sa sobrang bilis ng oras sa tuwing kasama ko siya, hindi ko namalayan na ang kasal namin ay papalapit na rin.
Bumuntong hininga ako ng malalim nang may maisip akong isang bagay. Halos ilang buwan na simula nang makilala ko si Kendy, pero ngayon ko lang napagtanto na wala pa rin pala kong alam tungkol sa pagkatao niya.
Hindi ko nga rin alam ang buong pangalan niya.
Tanungin ko kaya sina Arthur at Agustus? Sasagutin kaya nila ko ng matino?
Bumuntong hininga ulit ako nang malalim. Tiyak na hindi nila ko sasagutin ng maayos lalo na kung walang pahintulot ng amo nila.
"Bes, tayong tatlo na lang magka-grupo!"
Nang marinig ko ang malakas na boses ng kaibigan ko malapit sa aking tainga ay nawala sa isipan ko ang lahat ng mga katanungan ko kanina lang.
Tumingin ako sa aming harapan. Nasa school pa pala kami at nagkaklase. Napahawak ako sa aking mukha dahil wala man lang akong alam sa nangyayari sa paligid ko.
Lumingon ako kay Raelynn. "Bakit tayo magka-grupo? Ano ba ang pinapagawa ni Prof?"
Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka biglang makarating sa aming professor na hindi ako nakikinig sa kanya kanina pa.
Samantala, sinamaan ako ng tingin ng kaibigan ko.
"Hindi ko alam kung paano ka nagiging top sa klase. Lagi naman lutang ang isipan mo at hindi ka nakikinig minsan."
Ngumiti ako sa kaibigan ko. "Sorry na. Ano raw ba pinapagawa?"
"Pinapabuo tayo ng grupo. Tatlong tao sa isang group. Pagkatapos ay gagawa tayo ng isang report tungkol sa body gesture ng tao. We will need to know paano malalaman ang tunay na saloobin ng isang tao gamit lang ang kilos niya."
Tumango ako sa sinabi ni Raelynn. Buti naman at madali lang ang pinapagawa sa amin.
"Sino pala ang isa pa na 'tin ka-group?"
Nakangiting tinuro ni Raelynn ang katabi kong upuan. "Si Kennedy. Payag ka naman, Kennedy. Hindi ba?"
Lumingon ako sa katabi kong upuan sa kanan. Isang tango lang ang tinugon sa amin ni Kennedy. Ayos lang naman kung siya ang ka-group namin, pero bakit pakiramdam ko ay hindi dapat ako pumayag?
Parang may masama akong pakiramdam dito...
"Saan tayo gagawa? Bawal sa amin since marami akong batang kapatid. Maingay sa bahay. Baka hindi tayo makagawa."
Pagkatapos magsalita ni Raelynn ay sabay kaming lumingon sa direksyon ni Kennedy. Naramdaman yata niya ang mga titig namin kaya napalingon siya sa direksyon namin. Nang makita niya kong nakatingin ay bigla na lamang siyang umiwas ng tingin.
"Ah, bawal din sa amin. Strict ang parents ko. Hindi siya nagpapasok ng mga kaklase ko sa bahay."
Tumango na lang kami ni Raelynn sa sinabi niya. Kaya pala wala akong nakikita na kaibigan niya sa school. Yon pala ang dahilan niya.
"So, sa bahay mo na lang kami, Penelope?"
Natigilan ako sa sinabi ni Raelynn at lumingon ako sa direksyon. Pinanlakihan ko siya ng mata.
A few weeks ago, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na ikuwento kay Raelynn ang tungkol sa kalagayan ko. At first, nagduda siya kay Kendy at naawa siya lalo sa kalagayan ko. Hindi rin nagtagal ay pinayuhan niya ko na tanggapin na lang since parents ko na rin naman ang nagdesisyon at hindi naman nila ko ibibigay sa masamang tao.
Kaya lang ay wala naman alam ang buong eskwelahan tungkol sa kasal na magaganap sa buhay ko at wala rin akong balak ipaalam sa iba kahit sa mga kaklase ko pa.
Lumapit ako ng konti kay Raelynn at bumulong ako sa tainga niya. Sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig sa pag-uusap naming dalawa.
"Hindi ako p'wede magdala ng tao sa mansion lalo na kung hindi lang ikaw ang pupunta."
Ngumuso si Raelynn sa sinabi ko.
"Gusto ko lang naman malaman kung totoo na nasa maayos na kalagayan ka."
Lumayo ako sa kanya at hindi muna sumagot upang makapag-isip. Papayag kaya si Kendy na sa mansion niya kami gumawa ng homework kung sakali man na pumayag ako sa kanila?
Lumingon ako kay Raelynn at pagkatapos ay lumingon ako kay Kennedy. Bumuntong hininga ako ng malalim.
"Sige. Magpapaalam muna ako kung p'wede tayo sa... sa bahay. Kapag hindi pumayag, sa bahay na lang tayo ni Raelynn kahit maingay."
Halos pumalakpak na si Raelynn sa tuwa dahil sa narinig. Si Kennedy naman ay napasulyap sa akin, pero agad din siyang umiwas ng tingin nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Okay, class. That's all for today. Goodbye."
Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa pag-uusap naming tatlo. Since ito ang last subject namin at weekend na ulit bukas ay tahimik naming inayos ang aming mga gamit.
Habang nag-aayos si Kennedy ng kanyang gamit ay may naisipan akong itanong sa kanya.
"Kennedy."
Sumagot siya sa akin, pero hindi siya lumingon sa direksyon ko.
"Bakit?"
"P'wede bang malaman kung ano ang pabango na gamit mo?"
Napansin ko na parang natigilan siya sa naging tanong ko. Sandali lamang 'yon at pinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa.
"Ah, n-nakalimutan ko na ang brand name. Sabihin ko na lang pagkakita na 'tin bukas." Sinuot na niya ang kanyang bag sa kanyang likod.
Tumango ako sa kanya.
"Sige. Salamat."
Ngumiti ako sa kanya nang muling magkasalubong ang aming mga mata. Tumango lang siya sa akin at bigla na lang siyang kumaripas ng takbo palabas ng eskwelahan.
Anong problema ng lalakeng 'yon?
"Bes, paalam na ha. Ingat!" Humalik lang si Raelynn sa pisngi ko at iniwan na rin niya ko.
Nang una ay lagi talagang gusto sumabay ni Raelynn sa akin tuwing uwian, pero nang malaman niya ang tungkol kay Kendy ay hindi na rin siya nagpumilit na sundin ang gusto niya.
Sinuot ko na ang bag ko at naghanda na upang lumabas ng classroom.
Naalala ko na naman ang amoy ng pabango ni Kennedy. Yon ang pabango na naaamoy ko kay Kendy. Gusto kong malaman ang brand name ng pabango dahil tiyak na mahal 'yon at kung mahal nga, mayaman pala ang pamilya ni Kennedy?
Whatever it is, gusto ko pa rin malaman dahil wala akong maisip na ipang-regalo sa nalalapit na kaarawan ni Kendy. Kung bakit kasi hindi agad nasabi sa akin nina Agustus at Arthur ang tungkol doon.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.